Posted in Mga Pagbigkas ni Cristo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Naniniwala ang iba’t ibang relihiyon na lahat ng banal na kasulatan ay ibinigay sa inspirasyon ng Diyos at ito ay pawang mga salita ng Diyos; paano dapat mahiwatigan ng isang tao ang pahayag na ito?

Salita ng Diyos,maghanap,pananampalataya sa DiyosNaniniwala ang iba’t ibang relihiyon na lahat ng banal na kasulatan ay ibinigay sa inspirasyon ng Diyos at ito ay pawang mga salita ng Diyos; paano dapat mahiwatigan ng isang tao ang pahayag na ito?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na binigkas ng Diyos. Dinodokumento lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa buong panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Nasa marami sa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at walang katotohanang mga interpretasyon ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng paliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga interpretasyong iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tumpak na tumpak na mga pagpapahayag ng katotohanan. Ang kanilang mga pananaw tungkol sa ilang bagay ay walang iba kundi ang kaalamang nagmula sa personal na karanasan, o ang paliwanag ng Banal na Espiritu. Ang mga hula ng mga propeta ay personal na iniutos ng Diyos: Ang mga propesiya nina Isaias, Daniel, Ezra, Jeremias, at Ezekiel ay nagmula sa direktang utos ng Banal na Espiritu, ang mga taong ito ay mga tagakita, natanggap nila ang Espiritu ng propesiya, lahat sila ay propeta ng Lumang Tipan. Noong Kapanahunan ng Kautusan ang mga taong ito, na nakatanggap ng inspirasyon ni Jehova, ay maraming ipinropesiya, na direktang iniutos ni Jehova.

mula sa “Tungkol sa Biblia (3)”sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Noong Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, ang karamihan ng mga propeta na inalagaan ni Jehova aynagbanggit ng hula para sa Kanya, nagbigay sila ng mga panuto sa iba’t ibang mga tribo at bansa, at hinulaan ang gawa na gagawin ni Jehova. Ang mga inalagaang tao na ito ay nabigyan ng Espiritu ng propesiya ni Jehova: Kanilang nakita ang mga pangitain mula kay Jehova, at narinig ang Kanyang boses, at kaya sila’y nabigyan-inspirasyon Niya at nagsulat ng propesiya. Ang gawa na kanilang ginawa ay pahayag ng tinig ni Jehova, gawa ito ng propesiya na kanilang ginawa sa ngalan ni Jehova, at ang gawa ni Jehova noong panahong iyon ay simpleng gabayan ang mga tao sa paggamit sa Espiritu; hindi Siya nagkatawang-tao, at hindi nakita ng mga tao ang Kanyang mukha. Kaya, pinapag-iral Niya ang maraming propeta upang magawa ang Kanyang trabaho, at binigyan sila ng mga orakulo na kanilang ipinamana sa bawat tribo at lahi ng Israel. Ang kanilang mga gawa ay bigkasin ang propesiya, at ang ilan sa kanila’y sinulat ang mga tagubilin ni Jehova sa kanila upang maipakita sa iba. Inalagaan ni Jehova ang mga taong ito upang salitain ang propesiya, upang hulaan ang gawa ng hinaharap o ang gawa na dapat pang matapos sa oras na iyon, upang makita ng mga tao ang nakakamangha at karunungan ni Jehova. Ang mga aklat na ito ng propesiya ay sadyang naiiba sa ibang mga aklat ng Biblia; sila ay mga salita na binigkas o sinulat ng mga binigyan ng Espiritu ng propesiya—ng mga nagkamit ng mga pangitan o boses mula kay Jehova. Bukod sa mga aklat ng propesiya, ang lahat ng iba sa Lumang Tipan ay mga talaan na gawa ng mga tao matapos magawa ni Jehova ang Kanyang gawain. Ang mga librong ito ay hindi makakapalit sa mga hulang sinabi ng mga propeta na pinapag-iral ni Jehova, katulad ng Genesis at Exodo na hindi maikukumpara sa Libro ni Isaias at sa Libro ni Daniel. Ang mga propesiya ay winikabago ipinatupad ang gawa; ang ibang libro, sa mga oras na ito, ay isinulat bago pa ito natapos, na siya namang kakayanan ang mga tao. … Sa paraang ito, kung ano ang nakasulat sa Biblia ay pulos gawa sa Israel nang oras na iyon. Ang mga salitang winika ng mga propeta, ni Isaias, Daniel, Jeremias, at Ezekiel … ang kanilang mga salita ay hula ng Kanyang ibang gawa sa mundo, hinuhulaan nila ang gawa ng Mismong Diyos na si Jehova. Ang lahat ng ito ay mula sa Diyos, ito ay ang gawa ng Banal na Espiritu, at bukod sa mga aklat na ito ng mga propeta, lahat ng iba ay tala ng mga taong nakaranas ng mga gawain ni Jehova nang panahong iyon.

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Biblia ay Diyos, at na ang Diyos ay Biblia. Kaya naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita lamang na binigkas ng Diyos, at na lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama’t lahat sa animnapu’t anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, lahat ng ito ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, at isang talaan ng mga binigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang maling paliwanag ng mga tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa paliwanag ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng tao, resultang lahat ito ng paliwanag ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa iglesia, mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang binigkas ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Philadelphia, Galacia, at iba pang mga iglesia. Sa gayon, ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito direktang binigkas ng Banal na Espiritu. Mga salita lamang ito ng pagpapayo, pag-aliw, at paghihikayat na isinulat niya para sa mga iglesia habang ginagawa ang kanyang gawain. Kaya isang talaan din ito ng marami sa gawain ni Pablo sa panahong iyon. Isinulat ito para sa lahat ng kapatid sa Panginoon, at ginawa upang sundin ng mga kapatid sa lahat ng iglesia sa panahong iyon ang kanyang payo at maging tapat sila sa lahat ng pamamaraan ng Panginoong Jesus. Hindi sinabi ni Pablo na, mga iglesia man sila noong panahong iyon o sa hinaharap, lahat ay kailangang kumain at uminom ng mga bagay na nagmula sa kanya, ni hindi niya sinabi na ang kanyang mga salita ay nagmulang lahat sa Diyos. Ayon sa sitwasyon ng iglesia sa panahong iyon, kinausap lang niya ang mga kapatid, at pinayuhan sila, at binigyang-inspirasyon silang maniwala; at pinangaralan o pinaalalahanan lang niya ang mga tao at pinayuhan sila. Ang kanyang mga salita ay batay sa kanyang sariling pasanin, at sinuportahan niya ang mga tao sa pamamagitan ng mga salitang ito. Ginawa Niya ang gawain ng isang apostol ng mga iglesia noong panahong iyon, isa siyang manggagawa na ginamit ng Panginoong Jesus, at sa gayo’y siya ang ginawang responsable sa mga iglesia, inutusan siyang isakatuparan ang gawain ng mga iglesia, kinailangan niyang malaman ang mga sitwasyon ng mga kapatid—at dahil dito, sumulat siya ng mga sulat para sa lahat ng kapatid na sa Panginoon. Lahat ng sinabi niya na nakakasigla at positibo sa mga tao ay tama, pero hindi nito kinatawan ang mga binigkas ng Banal na Espiritu, at hindi niya maaaring katawanin ang Diyos. Kapansin-pansing pag-unawa, at malaking kalapastangan sa Diyos, ang tratuhin ng mga tao ang mga talaan ng mga karanasan at mga sulat ng isang tao bilang mga salitang binigkas ng Banal na Espiritu sa mga iglesia! Totoo’yan lalo na kapag nagmumula ito sa mga sulat ni Pablo para sa mga iglesia, sapagkat ang kanyang mga isinulat ay para sa mga kapatid batay sa mga kalagayan at sitwasyon ng bawat iglesia sa panahong iyon, at ginawa upang payuhan ang mga kapatid sa Panginoon, upang matanggap nila ang biyaya ng Panginoong Jesus. Ang kanyang mga sulat ay ginawa para pukawin ang mga kapatid noong panahong iyon. Masasabi na ito ang sarili niyang pasanin, at ang pasanin ding ibinigay sa kanya ng Banal na Espiritu; tutal, isa siyang apostol na namuno sa mga iglesia noong panahong iyon, na sumulat ng mga sulat para sa mga iglesia at pinayuhan sila—iyon ang kanyang responsibilidad. Ang kanyang pagkakakilanlan ay isa lang siyang nagtatrabahong apostol, at isa lang siyang apostol na isinugo ng Diyos; hindi siya isang propeta, ni isang manghuhula. Kaya para sa kanya, ang sarili niyang gawain at ang buhay ng mga kapatid ang pinakamahalaga. Sa gayon, hindi siya makapagsasalita sa ngalan ng Banal na Espiritu. Ang kanyang mga salita ay hindi mga salita ng Banal na Espiritu, at lalong hindi masasabi na mga salita iyon ng Diyos, sapagkat si Pablo ay nilalang lamang ng Diyos, at tiyak na hindi ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang kanyang pagkakakilanlan ay hindi kapareho ng kay Jesus. Ang mga salita ni Jesus ang mga salita ng Banal na Espiritu, ito ang mga salita ng Diyos, sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay kapareho ng kay Cristo—ang Anak ng Diyos. Paano Siya makakapantay ni Pablo? Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga binigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang walang delikadesa. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi kalapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang binigkas na para bang ang mga ito ay isang “banal na aklat,” o isang “aklat ng langit”? Maaari bang bigkasin ng tao na parang balewala ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? Kaya, ano ang masasabi mo—maaari bang mabahiran ng sarili niyang mga ideya ang mga isinulat niya para sa mga iglesia? Paano hindi mababahiran ang mga ito ng mga ideya ng tao? Isinulat niya ang mga sulat para sa mga iglesia batay sa personal niyang mga karanasan at sa lawak ng kanyang sariling buhay. Halimbawa, may sulat si Pablo sa mga iglesia sa Galacia na may tiyak na opinyon, at sumulat si Pedro ng isa pa, na may ibang pananaw. Alin dito ang nagmula sa Banal na Espiritu? Walang makapagsasabi nang tiyak. Sa gayon, masasabi lamang na pareho silang may pasanin para sa mga iglesia, ngunit ang kanilang mga sulat ay kumatawan sa kanilang katayuan, kinakatawan nila ang kanilang panustos at suporta para sa mga kapatid, at ang kanilang pasanin sa mga iglesia, at kinakatawan lamang nila ang gawain ng tao; hindi lubos na sa Banal na Espiritu ang mga ito. Kung sinasabi mo na ang kanyang mga sulat ay mga salita ng Banal na Espiritu, nakakatawa ka, at nilalapastangan mo ang Diyos! Ang sulat ni Pablo at ang iba pang mga sulat sa Bagong Tipan ay katumbas ng mga talambuhay ng mas bagong espirituwal na mga tao. Kapantay sila ng mga aklat ni Watchman Nee o ng mga karanasan ni Lawrence, at ng iba pa. Talagang hindi lang tinipon ang mga aklat ng bagong espirituwal na mga tao sa Bagong Tipan, pero ang diwa ng mga taong ito ay pareho: Sila ang mga taong ginamit ng Banal na Espiritu sa isang tiyak na panahon, at hindi nila maaaring direktang katawanin ang Diyos.

mula sa “Tungkol sa Biblia (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Evangelio ni Mateo sa Bagong Tipan ay itinatala ang talaangkanan ni Jesus. Sa simula, sinabi rito na si Jesus ay inapo ni Abraham, anak ni David, at anak ni Jose; pagkatapos ay sinabi rito na ipinaglihi si Jesus sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ipinanganak ng isang birhen—na ibig sabihin ay hindi Siya anak ni Jose o inapo ni Abraham, na hindi Siya anak ni David. Gayunman, pinipilit ng talaangkanan na iugnay si Jesus kay Jose. Pagkatapos, sinimulang itala ng talaangkanan ang proseso kung paano isinilang si Jesus. Sabi rito, si Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na Siya ay ipinanganak ng isang birhen, at hindi Siya anak ni Jose. Pero sa talaangkanan malinaw na nakasulat na si Jesus ay anak ni Jose, at dahil isinulat ang talaangkanan para kay Jesus, apatnapu’t dalawang henerasyon ang nakatala rito. Pagdating sa henerasyon ni Jose, mabilis nitong sinabi na si Jose ang asawa ni Maria, mga salita na nilayong patunayan na si Jesus ay inapo ni Abraham. Hindi ba pagsalungat ito? Ang talaangkanan ay malinaw na idinukumento ang kanunu-nunuan ni Jose, malinaw na ito ang talaangkanan ni Jose, pero iginigiit ni Mateo na ito ang talaangkanan ni Jesus. Hindi ba nito ikinakaila na totoong ipinaglihi si Jesus sa pamamagitan ng Banal na Espiritu? Samakatwid, ang talaangkanan bang sinabi ni Mateo ay hindi ideya ng tao? Nakakatawa! Sa ganitong paraan, alam mo na hindi lahat ng nasa aklat na ito ay nagmula sa Banal na Espiritu.

mula sa “Tungkol sa Biblia (3)”sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, sino sa inyo ang magtatangkang magsabi na ang lahat ng salitang ipinahayag ng mga ginamit ng Banal na Espiritu ay mula sa Banal na Espiritu? Mayroon ba sa inyo ang magtatangkang sabihin ito? Kapag sinabi mo ang mga ito, bakit iwinaksi ang aklat ng hula ni Ezra, at bakit ganoong din ang ginawa sa mga aklat ng mga sinaunang santo at propeta? Kung ang lahat ng iyon ay mula sa Banal na Espiritu, gayon bakit kayo nagtatangkang gawin ang mga pabago-bagong pagpili? Ikaw ba ay karapat-dapat na pumili ng gawain ng Banal na Espiritu? Maraming mga kwento mula sa Israel ang iniwaksi rin. At kung ikaw ay naniniwala na ang mga kasulatang ito sa nakaraan ay mula sa Banal na Espiritu, sa gayon bakit iwinaksi ang ilan sa mga aklat? Kung ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu, ang lahat ng mga ito ay dapat itago, at ipadala sa mga kapatid ng mga iglesia upang basahin. Hindi ito dapat pamilian at maiwaksi batay sa kalooban ng tao; mali ang gawin iyon. Ang pagsabi na ang mga karanasan nina Pablo at Juan ay nakahalo sa kanilang mga sariling nakikita ay hindi nangangahulugan na ang kanilang mga karanasan at kaalaman ay mula kay Satanas, sa halip ay dahil mayroong mga bagay na nagmula sa kanilang mga sariling karanasan at nakikita. Ang kanilang kaalaman ay ayon sa kanilang mga tunay na karanasan sa panahong iyon, at sino ang tiyak na makapagsasabi na ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu? Kung ang lahat na Apat na Ebanghelyo ay nagmula sa Banal na Espiritu, bakit magkakaiba ang sinabi nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan tungkol sa gawain ni Jesus? Kung hindi kayo naniniwala rito, tingnan ninyo ang mga tala sa Biblia kung paanong tatlong beses na itinanggi ni Pedro si Jesus: Magkakaiba silang lahat, at sila ay mayroong kani-kanyang mga katangian. … Basahin nang mabuti ang Apat na Ebanghelyo; basahin kung ano ang kanilang itinala tungkol sa mga bagay na ginawa ni Jesus, at ang mga sinabi Niya. Ang bawat ulat ay, magkakaiba, at bawat isa ay mayroong kani-kanyang pananaw. Kung ang lahat ng isinulat ng mga manunulat na ito sa mga aklat ay mula sa Banal na Espiritu, ang lahat ng ito ay dapat magkakatulad at hindi pabago-bago. Kaya bakit mayroong mga hindi pagkakaayon?

mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Noon, ang mga apostol at propeta ay nagsulat ng iba’t ibang kalatas, at gumawa ng maraming hula. Kalaunan, pumili ang mga tao mula sa mga ito na maaaring mailagay sa Biblia, at ang ilan ay nawala. Dahil may ibang tao na nagsasabi na ang lahat ng kanilang sinasabi ay nagmula sa Banal na Espiritu, bakit itinuring na mabuti ang ilan sa mga ito, at ang ilan ay itinuring na masama? At bakit ang ilan ay napili at ang iba ay hindi? Kung ang mga ito ay talagang mga salita mula sa Banal na Espiritu, kailangan pa bang mamili ng mga tao sa mga ito? Bakit ang mga ulat ng mga salitang ipinahayag ni Jesus at ang Kanyang mga gawain ay iba sa Apat na Ebanghelyo?

mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa katunayan, ito ay isa lamang tala ng tao. Ito ay hindi personal na pinangalananni Jehova, at hindi rin personal na ginabayan ni Jehova ang paglikha nito. Sa ibang salita, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi ang Diyos, kundi ang mga tao. Ang “Banal” Biblia ay ang magalang na pamagat lamang na binigay dito ng tao. Ang pamagat na ito ay hindi pinagpasiyahan ni Jehova at ni Jesus pagkatapos ng kanilang pagtalakay sa bawat isa; ito ay walang iba kundi ang ideya ng tao. Sapagkat ang aklat na ito ay hindi sinulat ni Jehova, higit na hindi ni Jesus. Sa halip, ito ay ang mga salaysay ng maraming mga sinaunang propeta, apostoles, at manghuhula, na kung saan ay pinagsama-sama sa isang libro ng mga sunod na henerasyon bilang isang libro ng sinaunang kasulatan na, para sa mga tao, tila lubhang banal, isang libro na sa tingin nila ay naglalaman ng maraming hindi maarok at malalim na misteryo na naghihintay mabuksan ng susunod namga henerasyon. Dahil dito, ang mga tao ay lalong mas naging handa upang maniwala na ang aklat na ito ay isang “makalangit na aklat.” Sa karagdagan ng Apat na Ebanghelyo at ang Aklat ng Pahayag, ang mga saloobin ng tao hinggil dito ay partikular na naiiba mula sa anumang iba pang libro, at sa gayon walang kahit isa ang sumubok upang pag-aralan itong “makalangit na aklat”—dahil ito ay lubhang “banal.”

mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa KatawangSalita ng Diyos,maghanap,pananampalataya sa Diyos-tao

Mag-iwan ng puna