Posted in Tanong at Sagot ng Ebanghelyo

Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang sekta at denominasyon sa iba’t ibang relihiyon, nawala ang orihinal na pananampalataya at pagmamahal ng mga tao people at lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Nakikita rin namin ang panlalata ng espiritu at nadarama namin na wala kaming maipangaral at na nawala sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Pakisabi sa amin, bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos at iwinaksi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng Diyos sa iba’t ibang relihiyon sa Aklat ng Pahayag?

Sagot:

Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. Kaya’t kayo’y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo’y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito” (Mateo 23:29-36).

“Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang Sali’t-saling sabi ng mga tao. At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali’t-saling sabi” (Marcos 7:6-9).

Malinaw na makikita sa mga salita ng Panginoong Jesus na naglantad sa mga Fariseo, na ang mga gawain ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio ay sumuway sa Diyos at kinalaban Siya. Nilabag nila ang mga kautusan at utos ng Diyos at sinunod lang nila ang mga tradisyon ng relihiyon. Sapat nang patunay ito na ang paglilingkod nila sa Diyos ay talagang pagsuway sa Kanya, at na ipinagkanulo nito ang kalooban ng Diyos. Lalo na noong panahon ng pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, mabangis nila Siyang tinuligsa at sinuway, at ang kanilang likas na pagkatao at diwa ay inilantad nang lubusan. Samakatwid ay makikita na ang pangunahing dahilan na humantong sa kapanglawan ng Judaismo ay sinuway at kinalaban ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio ang Diyos. Ang isa pa ay na nalipat na ang gawain ng Diyos. Lampas pa sa templo, inilunsad na ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ibig sabihin, isinulong ng gawain ng Diyos ang pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang buod ng gawain ng Diyos ay nagpatuloy sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang masimulan na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos, nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya at nagwakas ang Kapanahunan ng Kautusan. Yaon lamang mga tumanggap sa Panginoong Jesus ang naimpluwensyahan ng Banal na Espiritu at pinatnubayan ng Panginoon, samantalang natural na yaong mga nanatili sa templo, na nagwaksi, sumuway at tumuligsa sa Panginoong Jesus, ay pinabayaan sa gawain ng Diyos, nasadlak sa kadiliman at dumanas ng mga sumpa at parusa ng Diyos. Samakatwid, masasabi natin nang may katiyakan na ang kapanglawan ng lahat ng relihiyon noong Kapanahunan ng Kautusan ay talagang idinulot ng tao at iyon ay dahil napalayo ang mga lider ng mga relihiyon sa landas ng Panginoon, hindi sila sumunod sa mga utos ng Panginoon, ipinagkanulo nila ang kalooban ng Diyos at kinalaban ang Diyos. Kung nagpatuloy ang mga pinunong Judio sa landas ng Panginoon at sumunod sa mga utos ng Panginoon, nagpunta pa kaya ang Panginoong Jesus sa ilang para mangaral at gumawa? Nagpunta pa kaya Siya sa mga walang pananalig para hanapin yaong mga susunod sa Diyos? Talagang hindi. Tiyak na pumasok muna ang Panginoong Jesus sa templo at sa mga sinagoga para mangaral, na nagpapakita sa tao at ginagawa ang Kanyang gawain. Kaya bakit hindi ito ginawa ng Panginoong Jesus? Maliwanag na ito ay dahil hindi tinanggap ng mga nasa loob ng templo at mga sinagoga ang Panginoong Jesus, kundi sa halip ay tinuligsa at sinuway Siya, at nagpunta sa lahat ng dako para subukang arestuhin Siya. Dahil dito, wala nang ibang nagawa ang Panginoong Jesus kundi magtungo sa ilang para mangaral at gumawa at makihalubilo sa mga walang pananalig para hanapin ang mga susunod sa Kanya. Malinaw na nakikita ng lahat ng matalinong tao ang katotohanang ito. Sang-ayon ba ang lahat?

Ngayon, nauunawaan natin ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya tingnan natin ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Nakikita nating lahat na inuuna ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga huling araw ang pangangaral ng kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teorya sa loob ng mga simbahan. Madalas nilang gamitin ang kanilang mga paliwanag tungkol sa Biblia para magpasikat at magyabang para sambahin sila ng iba, at hindi nila sinusunod ang mga salita o kautusan ng Panginoong Jesus at hindi tumatahak sa landas ng Panginoon. Bihira silang mangaral tungkol sa pagpasok sa buhay at hindi nila inaakay ang mga tao kailanman na ipamuhay o danasin ang mga salita ng Panginoon sa paraan na mauunawaan nila ang katotohanan at magkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa Panginoon, para lumayo sa landas ng Panginoon ang lahat ng nananalig sa relihiyon. Maaari pa nga na maraming taon na silang nananalig sa Panginoon, subalit ang nauunawaan lang nila ay ang kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teorya, wala man lang kaalaman tungkol sa Panginoon, walang pagpipitagan sa Kanya, walang pagsunod, dahil lubos na napalayo sa mga salita ng Panginoon at naging mga tao na nananalig sa Kanya pero hindi Siya kilala, at may kakayahang suwayin at ipagkanulo ang Panginoon. Mula rito makikita na ang mga lider ng mga relihiyon ay lubos nang napalayo sa landas ng Panginoon, na nagresulta sa pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu at mga pagpapala ng Diyos; masasabi na ito ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon. Ang isa pang dahilan ay na nalipat na ang gawain ng Diyos at nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao na gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, at base sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at itinatag na Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang buod ng gawain ng Banal na Espiritu ay nalipat na sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at yaon lamang mga tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ang magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu at magtatamasa ng tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Yaong mga hindi nakakasunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos at ayaw tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay nawalan na ng gawain ng Banal na Espiritu at nasadlak sa kadiliman. Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon lalo na, na nahaharap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ay hindi lang ito hindi hinahanap o sinisiyasat, kundi mabangis din nilang sinusuway at tinutuligsa ang Diyos, ikinakalat ang lahat ng uri ng tsismis at kasinungalingan para linlangin at kontrolin ang mga nananalig, at hinahadlangan nila ang mga tao sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Matagal na nilang pinalubha ang disposisyon ng Diyos at kinamuhian at isinumpa sila ng Diyos, kaya paano bang hindi sila pababayaan at pupuksain ng Diyos? Nakita na natin ngayon na mula nang lumitaw ang “Apat na Buwan na Naging Dugo” hindi magtatagal ay magsisimula na ang malalaking kalamidad. Lahat ng hindi pa tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay tiyak na daranas ng mga kalamidad at doon ay daranas ng pagkastigo at pagpipino, samantalang yaong mga tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay yaong mga nadala bago sumapit ang mga kalamidad. Yaong mga hindi pa tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay daranas lamang ng mga kalamidad at maghihintay na madala pagkaraan ng mga kalamidad. Hindi ba pababayaan at pupuksain ng Panginoon ang gayong mga tao? Pagkaraan ng kalamidad, ilang tao ang matitira para madala? Ngayon, halos lahat ng relihiyon ay kontrolado ng grupong ito ng mga pastor at lider na namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos, kaya paano nito matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu sa sitwasyong ito? At paano sana nito naiwasang maging mapanglaw? Ito ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon. Ngayo’y nauunawaan n’yo nang lahat, ‘di ba?

Nauunawaan na namin ngayon na ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon ay ang mga lider ng mga relihiyon na hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoon, kundi bagkus ay napalayo sila sa Kanyang landas, hindi nila sinusunod ang Kanyang mga utos, lubos nilang nilabag ang kalooban ng Diyos at naging suwail sila sa Kanya. Pangalawa, dahil ang mga lider ng mga relihiyon ay naging mga suwail sa Diyos at wala ni isa sa kanila ang gustong tumanggap o sumunod sa Kanyang gawain, sa gayo’y nalipat ang Kanyang gawain, at nawala sa mga relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu at nasadlak sila sa kadiliman. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noon, bakit hindi Siya nangaral sa templo? Kasi lahat ng punong saserdote at elder sa templo ay mga taong sumuway sa Panginoon. Kung ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa templo, palalayasin lang Siya at tutuligsain, o agad aarestuhin at ipapako sa krus—hindi ba totoo iyan? Ito ang pangunahing dahilan kaya nalipat ang gawain ng Diyos. kung tumalima ang mga punong saserdote at elder sa templo sa mga salita ng Panginoon at naglingkod sa Diyos alinsunod sa Kanyang kalooban, paano naging mapanglaw ang templo? At paano nalipat ang gawain ng Diyos? Sabihin mo sa akin, hindi ba ganito ang nangyari? Tinutupad din nang lubusan ng kapanglawan ng mga relihiyon ang propesiya sa Biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon” (Amo 4:7-8). “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon” (Amo 8:11). Mula sa dalawang talatang ito ng banal na kasulatan mauunawaan natin na ang “isang bayan” sa “pinaulan sa isang bayan” ay tumutukoy sa simbahan kung saan nagpapakita ang Diyos na nagkatawang-tao at ginagawa ang Kanyang gawain, at ang “kabilang bayan” sa “hindi ko pinaulan sa kabilang bayan” ay natural na tumutukoy sa mga relihiyon na hindi nakikinig sa mga salita ng Diyos, hindi sumusunod sa Kanyang mga utos at tinatanggihan, sinusuway at tinutuligsa ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Nagpasapit ng taggutom ang Diyos sa mga relihiyon para pilitin ang mga miyembro doon na tunay na nananalig sa Kanya at nagmamahal sa katotohanan na talikuran ang relihiyon, hanapin ang mga yapak ng gawain ng Diyos, hanapin ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa lahat ng simbahan at hangarin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos at tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang matatalinong birhen at yaong mga nadala sa harap ng luklukan ng Diyos. Ang mga taong ito ay pawang dumadalo sa piging ng kasal ng Kordero at nagtatamasa ng pagtustos ng tubig na buhay ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan; ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal ay naibalik na at nagsasanay silang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, sinusunod at dinaranas ang mga salita ng Diyos, at magkakaroon ng pang-unawa tungkol sa katotohanan at makakapasok sa realidad. Kapag naunawaan ng mga taong ito ang katotohanan at nagkaroon sila ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, magagawa nilang magpitagan at sumunod sa Diyos, at sa ganitong paraan ay magtatamo ng bagong buhay mula sa Diyos! Lahat ng relihiyon o taong iyon na hindi tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay kinamumuhian, iwinawaksi at pinupuksa ng Diyos, at wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu—walang kaduda-duda iyan! Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Tutuparin ng Diyos itong katunayan: Palalapitin Niya ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob sa Kanyang harapan, at sasambahin ang Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawain sa ibang mga lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumukod sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding taggutom, at tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buháy na tubig, na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya” (“Nakarating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Nailalaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nababawi at naibibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, naililipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling bayan, sa inyo, nang sa gayon ay lubusang maipamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ninyong kalipunan ng mga tao. Samakatwid, kayo yaong mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos” (“Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad ng Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Malinaw nating nakikita mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi iwinaksi ng Diyos kailanman ang mga taos na nananalig sa Kanya at nananabik sa Kanyang pagpapakita. Sa pamamagitan ng Kanyang pagiging makapangyarihan at karunungan, inililigtas ng Diyos ang mga taos na nananalig sa Kanya kaya lumalayo sila sa gapos at kontrol ng mga anticristo at masasamang tao ng mga relihiyon, at pinapangyari Niya na maiangat sila sa harap ng luklukan ng Diyos at mahatulan, mapadalisay at magawang perpekto ng mga salita ng Diyos. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga mga huling araw ang Kanyang gawain ng paghatol at ipinapahayag ang buong katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, para makagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago sumapit ang mga kalamidad, dahil ang mga ito ang Kanyang mga unang bunga, at tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag na: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:4). Matapos gawin ng Diyos ang grupong ito ng mga mananagumpay, pansamantalang tatapusin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, pagkatapos ay magpapababa ng malalaking kalamidad ang Diyos para gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Sa panahong iyon, lahat ng hindi pa tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at tumutuligsa at sumusuway sa Makapangyarihang Diyos ay pawang daranas ng kalamidad at dahil doon ay magdurusa sa pagpipino na mahatulan at makastigo. Magagawa lang tayong perpekto at mananagumpay ng Diyos kapag tinalikuran natin ang relihiyon, sinabayan ang mga yapak ng Kordero, tinanggap at sinunod ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at nahatulan at napadalisay sa harap ng luklukan ni Cristo, at doon lang tayo hindi magdaranas ng mga pagsubok samantalang lahat ng nasa lupa ay kailangang magdanas niyon. Ang mga mananagumpay lang na ito na nagawa ng Diyos—ang mga unang bungang ito—ang karapat-dapat na magmana ng pangako at mga pagpapala ng Diyos! Nakagawa na ngayon ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa mainland China, at sa papalapit na malalaking kalamidad, lahat ng mga tumutuligsa at sumusuway sa Makapangyarihang Diyos ay daranas ng mga kalamidad at mapaparusahan, at mawawalan ng pagkakataong maligtas magpakailanman.

mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sa katunayan, ang kasaysayan ng pagtutol ng relihiyosong komunidad sa Diyos ay mula pa noong bandang huli ng Kapanahunan ng Kautusan. Nang nagkatawang-tao ang Diyos at ginawa ang Kanyang gawain sa unang pagkakataon noong Kapanahunan ng Biyaya, matagal na panahon nang nasakop ng mga Fariseo at mga anticristo ang relihiyosong komunidad. Naging oposisyong puwersa ito sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus. Kapag ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ay nagpapakita at ginagawa ang Kanyang gawain, yaong nasa relihiyosong komunidad ay tumatayo pa rin bilang mga kalaban sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Hindi lang sila panatikong nambabatikos at nanlalapastangan laban sa Makapangyarihang Diyos, nakikipagtulungan sila sa mala-satanas na rehimen ng CCP para usigin at sugpuin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagawa nila ang karumal-dumal na kasalanan na muling pagpako sa Diyos sa krus! Hindi lang isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, ibinubunyag ang kadiliman ng relihiyosong komunidad, ngunit nang ginawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, inilantad pa rin Niya ang tunay na diwa ng mga pastor at elder: ang kanilang pagtutol sa Diyos. At saka, isinumpa Niya ang mga anticristo na muling nagpako sa Diyos sa krus. Talagang nakakapukaw ng isipan ito! Sa parehong panahon na nagkatawang-tao ang Diyos, Kanyang binatikos at isinumpa ang relihiyosong komunidad. Ano ang ipinapakita nito? Naintindihan sa wakas ng mga hirang ng Diyos na ang relihiyosong komunidad, ang dakilang Babilonia, ay nakatakdang bumagsak. Sa pangalan lang naniniwala sa Diyos ang relihiyosong komunidad, ngunit talagang hindi kailanman dinadakila ang Diyos o sumasaksi sa Kanya. Talagang hindi nila ipinapatupad ang Kanyang kalooban. Hindi nila maaaring dalhin ang hirang ng Diyos sa Kanyang trono. Tiyak na hindi nila maaakay sila sa tamang landas, para maintindihan nila ang katotohanan at makilala ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasabuhay at pagdadanas sa Kanyang mga salita. Lubusang sumasalungat sa kalooban ng Diyos ang mga relihiyosong lider. Hindi nila mismo isinasabuhay ang katotohanan, ngunit nangangaral ng kaalaman sa Biblia at teolohikal na teorya para magmalaki at tingalain sila ng mga tao at sambahin sila. Inaakay nila ang mga mananampalataya sa hipokritong landas ng mga Fariseo. Sinasaktan nila at sinisira ang hirang ng Diyos. … Naging kagamitan ni Satanas ang lahat ng mga relihiyosong lider, mga tunay na anticristo. Sa panahon ng tatlong yugto ng Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan, dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos para tubusin ang sangkatauhan at iligtas ang sangkatauhan. Mga kalaban ni Cristo ang buong relihiyosong komunidad; naging katitisuran sila sa gawaing pagliligtas ng Diyos. … Kanilang nasaktan ang disposisyon ng Diyos at isinumpa at pinarusahan Niya bilang resulta. Tulad ito ng sinasabi sa propesiya, “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal…” (Pahayag 18:2). “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid” (Pahayag 14:8). “Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka’t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo” (Pahayag 18:10).

Tignan natin kung paano binatikos ng Makapangyarihang Diyos itong mga anticristo na panatikong tumututol sa Diyos at ang mga relihiyosong komunidad na kontrolado ng mga anticristo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Si Cristo ay darating sa mga huling araw upang lahat silang mga tunay na naniniwala sa Kanya ay mabigyan ng buhay. … Kapag ikaw ay walang kakayanang magpasalamat sa Kanya, at bagkus hinatulan, sinumpa, at inusig pa Siya, kung gayon ikaw ay nakatakdang masunog magpakailanman, at hindi kailanman papasok sa kaharian ng Diyos. Para dito si Cristo Sarili Niya ay ang kapahayagan ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Nag-iisang pinagkatiwalaan ng Diyos na gampanan ang Kanyang gawain sa lupa. At gayon sinasabi ko sa iyo na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat danasin ng mga lumapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi na kailangang patunayan sa lahat. … Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Isipin kung ano ang sumunod matapos ipinako ng mga Judio si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Judio ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa mga bayan sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Judio ay napasailalim sa mga wala pang katulad na pagwasak. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang kahindik-hindik na krimen—at inudyukan ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, pinagdusahan ang masamang resulta ng kanilang mga pagkilos. Hinatulan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at sa gayon sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: na parurusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kalamidad na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga sumasawata sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na susuway sa gawain ng Diyos ay pupuksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito’y titigil sa pag-iral” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Ngunit habang ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, itataboy Ko ito pabalik sa Aking galit sa mga bansa nito, lantarang ipapahayag ang Aking utos ng pamamahala sa buong sansinukob, at bibisitahin ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa mga ito:

Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. … Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata” (“Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon! Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi masisira ng Aking awtoridad sa lupa? Sino pa ang mangangahas na sumuway at tumutol sa Akin? Ang mga tagasulat? Lahat ng relihiyosong opisyal? Ang mga pinuno at mga awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi makikipagdiwang sa pagiging sakdal at kaganapan ng Aking katawan? Sa mga tao, sino ang hindi kumakanta ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, na siyang ganap na masaya? … Paanong ang mga bansa sa mundo ay hindi maglalaho? Paanong ang mga bansa sa lupa ay hindi babagsak? Paanong ang Aking mga tao ay hindi magdidiwang? Paanong hindi sila kakanta nang may kagalakan?” (“Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Katotohanan ang bawat pangungusap ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, may awtoridad at kapangyarihan ang mga ito; lubos na ipinapakita ng mga ito ang pagkamatuwid, kadakilaan, galit at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos. Yaong mga tumututol sa Diyos, nang-aabala o gumagambala sa gawain ng Diyos ay talagang makakatanggap ng kaparusahan at paghihiganti mula sa Diyos. … Tulad ng alam ng lahat, sa Kapanahunan ng Kautusan, hayagang itinanggi ng mga mamamayan ng Sodom ang Diyos at Siya’y tinutulan. Ginalit nila ang Kanyang disposisyon at sila’y winasak lahat ng Diyos; naubos sila. Noong Kapanahunan ng Biyaya, hayagang tinutulan at binatikos ng mga Judiong punong saserdote, tagasulat, at Fariseo ang Panginoong Jesus. Nakipagsabwatan sila sa gobyerno ng Roma para ipako ang Panginoong Jesus sa krus. Nakagawa sila ng mabigat na kasalanan na nag-udyok sa disposisyon ng Diyos. Ang buong bansang Judio ay napailalim sa hindi pa nangyayaring pagkawasak. Sa mga huling araw, hindi makatarungang hinahatulan, tinututulan at binabatikos ng mga relihiyosong lider ang Makapangyarihang Diyos. Nakikipagtulungan pa sila at nakikipagsabwatan sa demonyong CCP para sugpuin, arestuhin at usigin iyong mga kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Matagal na panahon na silang nakagawa ng mga karumal-dumal na kasalanan na paglalapastangan laban sa Banal na Espiritu at pagpapako muli sa Diyos sa krus. Mas masahol pa ang masamang pag-uugali nila kaysa sa mga tao sa Sodom. Hindi malayong mas masahol pa ito kaysa doon sa mga Judiong Fariseo. Mga anticristo sila na inilantad ng gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw. Sila ang masamang relihiyosong puwersa na tumutol sa Diyos nang mas matindi at panatiko kaysa sa iba pa sa kasaysayan! Ganap na binubuo ang relihiyosong komunidad ng mga masasamang puwersa na tumututol sa Diyos. Pugad ito ng mga demonyong anticristo. Ito’y isang matibay na tanggulan na sumusubok pumantay sa kaharian ni Cristo. Kampo sila ng mala-satanas na mga sumumpang kalaban sa Diyos na mahigpit na nagrerebelde laban sa Kanya! Hindi maaaring masaktan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi maaaring mabahiran ang kabanalan ng Diyos! Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pagbubukang-liwayway ng isang bagong kapanahunan at ang katapusan ng luma. Ang relihiyosong komunidad na kinokontrol ng lahat ng uri ng mga demonyong anticristo gayun din ang masamang mundo ito ay malapit nang mawasak ng sakuna ng Diyos sa mga huling araw. Dumating na ang matuwid na kaparusahan ng Diyos! Tulad lang ito ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon! Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi masisira ng Aking awtoridad sa lupa?” (“Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang lahat nang hindi tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kahit gaano pa nila panatilihin ang pangalan ng Panginoong Jesus sa relihiyosong komunidad, kahit gaano pa nila sundin ang Biblia, ang kaligtasan ng krus o mga relihiyosong seremonya, Kahit gaano pa sila magtrabaho, magdusa o magsakripisyo, kung hindi sila magsisisi at lalapit sa Makapangyarihang Diyos, sila’y mababaligtad at mawawasak kasama ng iba pang nasa relihiyosong komunidad. Matagal nang itinakda ito ng Diyos; walang sinuman ang makakapagbago nito! Matagal na panahon nang tinawag ng Diyos ang Kanyang hinirang sa mga propesiya sa Pahayag, “Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot” (Pahayag 18:4).

mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mag-iwan ng puna