Posted in Mga Himno

Tagalog Gospel Songs | “Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig” (Opisyal na Music Video)

I
Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.
Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay pangkaharian.
Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,
nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.
Salita Mo’y umaakay sa amin at kami’y matamang sumusunod sa Iyo.
Sa D’yos na biyaya, disposisyong masama ay naiwaksi.
Lasap namin ang salita ng D’yos at namumuhay ng isang bagong buhay sa harap Niya.
Mahalin puso ng D’yos, tunay na ibigin Siya, pasalamatan at purihin Siya.
La la la la la … la la la la la …
II
Manalig na ang salita ng D’yos ay katotohanan at nagbibigay-buhay.
Nagsasama-sama sa salita ng D’yos at nakakaunawa sa katotohanan,
kasama ang Banal na Espiritu na gumagawa sa atin.
Sarili ay gawing hungkag, maging simple’t bukás, at isabuhay pagiging isang taong tapat.
Katotohana’y nagpapalaya, pinupuno ang ating puso ng galak.
Buhay-iglesya nati’y kayrikit, at lahat ng mga banal ay sumigla.
Nagsasama-sama sa katotohanan at nagtutulungan, ang ating buhay ay mabilis na lumalago.
Tanggapin kahatulan, isagawa ang katotohanan, at isabuhay salita ng D’yos,
Isabuhay ang realidad ng katotohanan nang ang puso ng D’yos ay masiyahan.
La la la la la … la la la la la …
III
Tayong mga kapatid na lalaki’t babae maayos na magtulungan at lahat tayo ay masaya.
Ating ipinapahayag mga salita ng D’yos at ibinabahagi mga karanasan,
tungkuli’y ginagawang may paalaman.
Katotohanan ay sundin, realidad pasukin at gawing-nasiyahan ang D’yos.
Nabubuhay sa pag-ibig ng D’yos, pinupuri natin ang D’yos magpakailanman.
La la la la la … la la la la la …
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Manood ng higit pa : Tagalog Christian Songs with LyricsKung ‘Di Ako Iniligtas ng D’yos

Mag-iwan ng puna