Posted in Mga Himno

Tagalog Christian Songs- Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

I
Nais kong umiyak nguni’t walang maiyakan.
Nais kong umawit nguni’t walang maawit.
Nais kong ipahayag pag-ibig ng isang nilalang.
Naghahanap saan-saan, ngunit nadarama’y di masabi.
Praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Kamay ‘tinataas sa pagpupuri’t galak, naparito Ka sa mundo.
II
Tao’y mula sa alabok, binuhay ng Diyos.
Bumaba si Satanas upang tao’y tiwalihin.
Nawala pagkatao nila’t katwiran.
Isa’t isang nahulog mga henerasyon mula araw na ‘yon.
Nguni’t Ika’y … ang praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Ako’y alabok nguni’t mukha Mo’y kita ko. Pa’nong ‘di ‘ko sasamba?
Ang praktikal at tunay na D’yos, pag-ibig sa puso ko.
Ako ma’y alabok, mukha Mo’y kita ko. Pa’nong di Kita sasambahin?
III
D’yos nilalang ang tao’t labis na mahal, kaya’t muli S’yang naging tao,
tiniis mabuti’t masama, kahirapa’t lungkot,
inililigtas, dinadala tayo sa magandang lugar.
Lagi Ka naming pasasalamatan.
Ang praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Tiwali, nguni’t iniligtas Mo ako! Pa’nong ‘di ‘ko sasamba?
Ang praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Tiwali, nguni’t iniligtas Mo ako! Pa’nong ‘di ‘ko sasamba?
Pa’nong di Kita sasambahin? Pa’nong di Kita sasambahin?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng puna