Posted in Pagbubunyag ng Katotohanan

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay – Paano Nagiging Mananagumpay ang mga Mananagumpay?

Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay – “Paano Nagiging Mananagumpay ang mga Mananagumpay?”

Alam mo ba ang nasa likod ng paglikha ng 144,000 na mananagumpay na iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag? Nauunawaan mo ba ang kahalagahan ng pagpapahintulot ng Diyos sa Komunistang Partido ng Tsina upang isagawa ang nagngangalit nitong pang-aapi, pagsugpo, at pag-uusig sa mga taong pinili ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay magiging saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng nagngangalit na pang-aapi at malupit na pag-uusig ng Komunistang Partido ng Tsina na ginagawang kumpleto at perpekto ng Diyos ang mga mananagumpay na ito gamit ang Kanyang salita. Sila rin ang grupo ng mga taong nagdurusa kasama ni Cristo sa Kanyang kaharian.

Mag-iwan ng puna