Posted in Pagbubunyag ng Katotohanan

Mga Movie Clip (5) “Bakit Kinokontra ng mga Fariseo ang Diyos?”

Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (5) “Bakit Kinokontra ng mga Fariseo ang Diyos?”

Ang mga Fariseo sa mga relihiyon ay pawang maalam sa Kasulatan at naglingkod sa Diyos nang maraming taon, pero hindi lang nila hindi hinanap at siniyasat ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi mabangis pa nilang hinatulan, tinuligsa, at kinalaban ito. Talagang hindi kapani-paniwala! Bakit nga ba tinuligsa at kinalaban ng mga Fariseo sa mga relihiyon ang Diyos? Sabi ng Diyos, “Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos.” “Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa tiwaling disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos.” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

 

Mag-iwan ng puna