Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Tagalog Christian Praise Song | “Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin” | God With Us

Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba’t iba man tayo ng kulay at iba’t iba ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
I
Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba’t iba man tayo ng kulay at iba’t iba’t ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
May isang matanda, kulay puti na ang buhok,
at isang batang, malakas at masigla.
Magkahawak-kamay, at magkaakbay,
magkasama nating sinusuong ang hangin at ulan,
pinalalakas ang loob ng isa’t isa sa gitna ng kahirapan.
Sa iisang isipan, matutupad natin ang ating tungkulin.
Konektado ang ating mga puso,
naging magkasangga tayo sa buhay,
Ang pag-ibig ng Diyos ang nagbubuklod sa atin.
II
Ang mga salita ng Diyos ang bukal ng buhay na tubig.
Tinatamasa ang mga salita ng Diyos,
napuno ng kaligayahan ang ating mga puso.
Ang pagkastigo at paghatol ng Kanyang salita,
ang nagdadalisay sa ating masasamang disposisyon.
Sa pagpupungos lamang
at pakikitungo tayo magiging kawangis ng tao.
Sa kahirapan at kahinaan, tayo ay nagtutulungan.
Magkakaramay tayo sa kahirapan.
Nagpapatotoo, matatalo natin si Satanas.
Kumawala tayo sa kadiliman at mabuhay sa liwanag.
Tapat at masunurin, tayo ang dangal ng Diyos na naihayag.
Alam natin ang katuwiran at kagandahan ng Diyos.
Nararanasan natin ang di-mabilang
na paraan na minamahal tayo ng Diyos.
Nakakalong sa dibdib ng Diyos,
ang ating mga buhay sa lupa ay gaya ng sa langit.
Tanging sa Diyos lamang may pag-ibig,
tanging sa pag-ibig lamang may pamilya.
Isang pamilya ang lahat ng nagmamahal sa Diyos.
Nagiging malapit tayo sa pagmamahal Niya.
Kapiling natin ang mga salita ng Diyos sa ating paglaki.
Nabubuhay sa magandang kaharian.
sinasamba natin
ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
La la la … La la la … La la la …
La la la … La la la … La la la …
Tanging sa Diyos lamang may pag-ibig,
tanging sa pag-ibig lamang may pamilya.
Isang pamilya ang lahat ng nagmamahal sa Diyos.
Nagiging malapit tayo sa pagmamahal Niya.
Kapiling natin ang mga salita ng Diyos sa ating paglaki.
Nabubuhay sa magandang kaharian.
sinasamba natin
ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
sinasamba natin
ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman,
sinasamba natin
ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
mula sa Sundin ang Cordero at Umawit ng mga Bagong Awitin

Posted in Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo, Mga Video

Tagalog Christian Movie 2018 | “Kaligtasan” | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)

Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan? Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party. Nang palabasin siya ng bilangguan, patuloy niyang ginampanan ang kanyang mga tungkulin, nagtamo ng kaunting praktikal na karanasan, at nilutas ng kanyang mga sermon at gawain ang ilang praktikal na problema para sa kanyang mga kapatid. Kalaunan, inaresto rin ang kanyang asawa, pero hindi siya nagreklamo, naging negatibo, o nanghina…. Dahil sa lahat ng ito binati at pinuri siya ng kanyang mga kapatid. Naniniwala si Xu Zhiqian na nasa kanya ang realidad ng katotohanan at na walang problema sa pagpasok sa kaharian ng langit. Pero di nagtagal, nagkaroon siya ng di-inaasahang pagsubok— ang asawa niya ay namatay sa pagpapahirap ng mga pulis ng CCP. Si Xu Zhiqian, na balisa, ay may mga paniwala, maling pagkaunawa, at reklamo tungkol sa Diyos, at naiisip ding magrebelde at magtaksil sa Diyos…. Kalaunan, nang matanto niya na nagtataksil siya sa Diyos, nagsimula siyang magnilay-nilay, at nag-isip kung ang mga taong nagdaraan sa mga pagsubok, na katulad niya, at pagkatapos ay nagrereklamo, nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at nagtataksil sa Kanya ay talagang maliligtas. Talaga bang nararapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos?

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan”

I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang ‘di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao,
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan ‘pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao’y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli. Magpatuloy magbasa “Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan””

Posted in Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo, Mga Video

Tagalog Gospel Movie 2018 | “Pagkamulat” | The Call of God’s Love (Tagalog Dubbed)

Isang tagapangaral si Lu Xiu’en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na “pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.” Paulit-ulit niyang kinalaban at tinanggihan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian… Ganunpaman, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon siya ng pagkakataong matuklasan na iba ang ipinakitang ugali ng kanyang pastor sa harap ng mga tao, at inilabas ang tunay nitong ugali sa likod nila, at nakita niya kung gaano kaipokrito ang kanyang pastor. Sa pagkakataong iyon ay dumating naman sa kanya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kaharian. Matiyagang nagbahagi at nagpatotoo sa kanya ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, at matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naitindihan niya ang katotohanan tungkol sa pagkakaiba ng maligtas at makamit ang ganap na kaligtasan at napagtanto niyang ang mga pananaw na sinang-ayunan niya noon ay pawang mga haka-haka lamang na likha ng imahinasyon ng tao at hindi umaayon sa reyalidad ng gawain ng Diyos. Kaya, masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ganunpaman, nung malaman ito ng kanyang pastor, inutusan nito ang mga mananampalataya na kondenahin at iwan siya, at inutusan din ang kanyang pamilya na idiin si Lu Xiu’en… Nalubog sa sakit si Lu Xiu’en at tuluyang nagulo ang pag-iisip. Sa huli, nagawa niyang maintindihan ang katotohanan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita niyang ipokrito ang kanyang pastor sa mundo ng relihiyon, isang kalaban ng Diyos na galit sa katotohanan at anticristong may likas na kademonyohan. Tuluyang nagising si Lu Xiu’en, at iniwasan niya ang panloloko at pagkontrol ng kanyang pastor. Sinunod niya ang Makapangyarihang Diyos, pinili ang tamang landas at nagpursigi upang makamit ang katotohanan at ang ganap na kaligtasan …

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Ang Tunay na Pananalig Ay Nagmumula Lamang sa Pagkilala sa mga Gawa ng Diyos (Tagalog Songs)

Ang gawain ng Diyos ngayon ay magsalita,
walang mga palatandaan, ni mga kababalaghan.
Hindi ito Kapanahunan ng Biyaya.
Ang Diyos ay normal at totoo.
Sa huling mga araw,
hindi Siya si Hesus na higit sa karaniwan,
ngunit isang praktikal na Diyos sa katawang tao,
walang pinagkaiba sa tao.
Kaya ang paniniwala ng tao sa Diyos
ay dahil sa Kanyang maraming mga gawain, mga salita at gawa.
Oo, ito ay pagbigkas ng Diyos
na lupigin at gawing perpekto ang tao.
Ang mga palatandaan at kababalaghan
ay hindi ang ugat ng kanilang pananampalataya.
Oo, mga gawa ng Diyos na Siya’y makilala ng tao. Magpatuloy magbasa “Ang Tunay na Pananalig Ay Nagmumula Lamang sa Pagkilala sa mga Gawa ng Diyos (Tagalog Songs)”

Posted in Mga Pagbasa

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos”

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos.jpg
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang masama ni Satanas, ngunit hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.”

Magrekomenda nang higit pa:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Posted in Mga Aklat, Mga Patotoo

Ang Patotoo ng isang Cristiano|Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

 

Espiritu, salita ng Diyos, katotohanan, disposisyon ng Diyos, Cristo

Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

  Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan. Magpatuloy magbasa “Ang Patotoo ng isang Cristiano|Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon”

Posted in Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo, Mga Video

Full Tagalog Christian Movie | “Napakagandang Tinig” The Word of the Holy Spirit to the Churches

Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig. Dahil sa kanyang gawain ng pangangaral, inaresto siya ng pulisya ng gobyerno ng Komunistang Tsino at ipinadala sa bilangguan kung saan naranasan niya ang kalupitan at pagpapahirap. Ang mga salita ng Panginoon ang gumabay sa kanya at natiis ang pitong taong di-makataong buhay sa bilangguan. Matapos makalaya, pinuntahan siya ng kanyang katrabahong si Chenguang at binasa sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sumasaksi na ang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Binigyan din siya nito ng kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Matapos basahin ang kaunting mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Dong Jingxin na ang mga ito ay makapangyarihan at nanggaling sa Diyos. Nagkaroon siya ng pusong nananabik maghanap. Gutum na gutom sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sina Dong Jingxin at ang kanyang asawa at natuklasang katotohanan ang lahat ng mga ito, tinig ng Diyos ang lahat ng mga ito. Natukoy nila na talagang pagbabalik ng Panginoong Jesus ang Makapangyarihang Diyos na ilang taon na nilang hinihintay! Habang ang dalawa ay nag-uumapaw sa tuwa ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, pinuntahan sila ng hepe ng pulisya upang balaan na huwag dumalo sa anumang pagtitipon o gumawa ng anumang pangaral. Binalaan niya sila na kailangan nilang iulat ang sinumang nangangaral ng Kidlat ng Silanganan, na nagpabalisa kay Dong Jingxin. Pagkatapos noon, nang malaman ng kanilang pastor na pinamumunuan ni Dong Jingxin ang mga kapatid na tingnan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, humadlang din siya at hinarangan sila. Nahaharap sa pagkalito at pagkagambala mula sa mga puwersa ni Satanas, nagagawang makita nang malinaw ni Dong Jingxin ang tunay na mukha ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo sa pamamagitan ng pagdarasal, paghahanap at pagbabahagi. Hindi siya sumuko, at nagpatuloy na pamunuan ang mga kapatid upang imbestigahan ang tunay na landas, at inimbitahan niya ang mga tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang magbahagi at sumaksi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa huli, kinilala ng lahat na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay talagang tinig ng Diyos, at Siya ang pagpapakita ng Diyos. Naantig ang damdamin ng lahat: Napakaganda ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos!

Posted in Mga Pagbasa

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | “Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat”

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi alam ng sangkatauhan, na iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung bakit sila umiiral, gayunma’y natatakot sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang dangal na pag-iral sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa mga kaluluwa. Namumuhay ka nang gayon, na walang pag-asa; at siya ay umiiral nang ganyan, na walang layunin. Nariyan lamang ang Tanging Banal sa mga alamat na darating upang iligtas ang mga taong nananaghoy sa paghihirap at sabik na sabik na naghihintay para sa Kanyang pagdating. Ang paniniwalang ito ay hindi maaaring matanto sa ngayon ng mga tao na walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy na hinahangad ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras.”

Magrekomenda nang higit pa:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Tagalog Christian Music Video | “Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos” | The Christian Mission

20181108-神话语诗歌《为神作见证是人的本分》(菲语配音)缩略图1000

Tagalog Christian Music Video | “Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos” | The Christian Mission
Yaong ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang inyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan kayo ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa inyo na tumbasan ninyo rin ito.

Pinagkakalooban kayo ng Diyos ng buhay;
ito’y regalong tinatanggap ninyo mula sa Kanya.
Kaya tungkulin ninyong sumaksi sa Kanya.
Binibigyan kayo ng Diyos ng Kanyang kaluwalhatian,
ng buhay N’yang wala ang mga Israelita.
Kaya dapat ninyong italaga ang inyong buhay
at kabataan sa Kanya.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos,
kaya dapat kayong sumaksi sa Diyos.
Mayroon kayong kaluwalhatian ng Diyos.
Ito’y ordenado. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Music Video | “Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos” | The Christian Mission”