Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.
Mga kapatid, pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Jesus, lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay nagnanais na bumalik Siya sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matupad ang ating mga hinihiling sa loob ng maraming taon, at nang sa gayon ay matanggap natin ang Kanyang pangako at matamasa ang Kanyang mga pagpapala. Lalo na sa mga huling araw, ang pagnanais nating makita ang pagbabalik ng Panginoon ay higit pang mahalaga. Magpatuloy magbasa “Ang Daan ng Pagdating ng Panginoon-Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon”→
Tagalog Christian Music Video 2019 | “Awit ng Matamis na Pag-ibig” Praise and Thank God for His Love
I
Pag-ibig Mo’y nakatago sa puso ko.
Inaakay akong mapalapit sa Iyo
sa pinakamatamis na paraan.
Pagsasaalang-alang sa ‘Yong kalooba’y
ginagawang mas matamis aking puso.
Naglilingkod ako sa ‘Yo sa puso’t isipan,
wala na akong ibang gusto.
Iyong salita’y gabay sa ‘king puso,
at sinusunod ko ang Iyong mga hakbang.
Mabubuhay ako ayon sa Iyong kalooban,
bigyang-kasiyahan Ka’y nagpapasaya sa akin.
Dinala Mo ako sa mas mabuting lugar,
isang mundo na Ikaw lamang at ako.
Walang inaalala, wala nang dinaramdam.
Ang Iyong salita’y lumilinis sa aking katiwalian,
napuno ng mga ito ang puso ko.
Mahal Kita, oh, mahal Kita,
ang Iyong salita’y
pinakamalaking bahagi ng aking buhay.
Anong kapalaran na maligtas Mo.
Kailanman mamahalin Kita’t
aawitin ang Iyong papuri.
Allelu-Allelujah! Allelu-Allelujah!
Allelu-Allelujah! Purihin ang Panginoon. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Music Video | “Awit ng Matamis na Pag-ibig” Praise and Thank God for His Love”→
Ang kakayahang maipaliwanang nang tahasan ang mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang realidad—ang mga bagay ay hindi kasing-simple gaya ng iyong maaaring isipin. Taglay mo man ang realidad o hindi ay hindi nababatay sa kung ano ang iyong sinasabi, sa halip, ito ay nababatay sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ito lamang ang naituturing bilang realidad, at ito lamang ang naituturing bilang pagkakamit mo ng pagkaunawa at tunay na tayog. Magpatuloy magbasa “Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos-Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Pagkakaroon ng Realidad”→
Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay “ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin.” Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi. Alam nating magkakapatid na ang panalangin ang daan para sa pagtatatag ng isang normal na relasyon sa Diyos. Umaasa tayong lahat na diringgin at tatanggapin ang mga panalangin natin, pero maraming mga kapatid ngayon ang nababagabag sa katotohanang hindi dinirinig o tinatanggap ang kanilang mga panalangin. Kaya, pa’no tayo magdadasal nang naaayon sa kalooban ng Diyos, at ano’ng mga problema ang dapat nating lutasin sa mga panalangin natin para pakinggan ‘yon ng Panginoon? Magpatuloy magbasa “Pananampalataya at Buhay-Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw”→
Sa bawat pagkakataon na mababanggit ang Kidlat ng Silanganan, maraming mga kapatid sa Panginoon ang nakadarama ng pagkalito: Bakit kaya habang ang relihiyosong komunidad sa kabuuan ay lalong nagiging mapanglaw at malala, habang ang bawat denominasyon ay lalo pang binabantayan at nagigingkonserbatibo sa pagkondena at pagtataboy sa Kidlat ng Silanganan, ang Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nagiging hindi mapanglaw at hindi umuunti, kundi dumadaluyong na tulad ng hindi mapigilang mga gumugulong na alon, na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng mainland China? Magpatuloy magbasa “Ang Pinagmumulan ng Kasaganaan ng Kidlat ng Silanganan”→
At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa’t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Mateo 21:12-13).
“Siya ay sumigaw sa isang napakalakas na tinig at sinabi niya: Bumagsak na! Ang dakilang Babilonya ay bumagsak na! Ito ay naging isang dakong tirahan ng mga demonyo. Ito ay naging isang bilangguan ng bawat karumal-dumal na espiritu at bawat karumal-dumal na ibon na kinapopootan ng mga tao. Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bansa ay uminom ng alak ng poot ng kaniyang pakikiapid. Ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kaniya. Ang mga mangangalakal sa lupa ay yumaman sa kahalayan ng kaniyang kayamanan” (Pahayag 18:2-3). Magpatuloy magbasa “Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos-1. Ano ang iglesia ng Diyos? Ano ang organisasyong pangrelihiyon?”→
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawat araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pahayag ng bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi makakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Magpatuloy magbasa “Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos-Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos”→
Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit? Ang Kristiyanong si Song Enze ay inaresto at ikinulong ng Chinese Communist Party nang pitong taon dahil naniwala siya sa Diyos at nangaral ng ebanghelyo ng Diyos. Nang makalaya na siya, nagpilit siyang magpatuloy sa paggugol para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Pakiramdam niya, sa pagtalikod sa kanyang tahanan at propesyon, pagpapagod, at pagtatrabaho, ginagawa niya ang kalooban ng Diyos, at na siguradong matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos at dadalhin siya ng Diyos sa kaharian ng langit. Kalaunan, nagkasakit nang malubha ang anak na lalaki ni Song Enze, at nanganib ang buhay, na ikinasama ng loob ni Song Enze sa Diyos, tinangka niyang makipagtalo sa Diyos, at nawalan siya ng hangaring gawin ang kanyang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng ipinakita sa kanyang mga totoong pangyayari sa kanyang sitwasyon at ng mga paghahayag sa salita ng Diyos, natanto ni Song Enze na ang maraming taon ng pagtalikod at paggugol niya para sa Diyos ay dating pagtatangka niyang ipalit iyon sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at na hindi siya isang taong masunurin sa Diyos. Sa huli, sa pamamagitan ng paghahanap, natutuhan din niya sa wakas kung paano sikaping makawala sa kanyang mga tiwaling disposisyon, maging tunay na masunurin sa Diyos, at maligtas ng Diyos.
Mga Pagsasalaysay ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos | “Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na May Dakilang Kapangyarihan ang Diyos sa Kapalaran ng Tao (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)”
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, bawat saglit. Kung ang langit at lupa ay pumanaw, ang Kanyang awtoridad ay kailanman di-papanaw, sapagkat Siya ay Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi natatakdaan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ay ang di-mababagong kapalaran mula pa noong unang kapanahunan!”