Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Category: Ang Trumpeta ng katotohanan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Trumpeta ng katotohanan
Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Magpatuloy magbasa “Isang Kaligayahang Pinakahihintay”→
Tagalog Christian Movie | “Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit” (Clips 1/2)
Sabi ng Panginoong Jesus, “Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven” (Matthew 18:3). Ang Kristiyanog si Cheng Nuo ay isang doktor. Sa buhay niya, nagpunyagi siyang maging matapat na tao ayon sa mga salita ng Panginoon. Minsan, sa isang pagtatalo tungkol sa paggamot sa isang pasyente, ipinagtapat niya sa mga kapamilya ng isang pumanaw na pasyente ang mga pagkakamali ng ospital. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movie | “Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit” (Clips 1/2)”→
Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.
Mga kapatid, pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Jesus, lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay nagnanais na bumalik Siya sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matupad ang ating mga hinihiling sa loob ng maraming taon, at nang sa gayon ay matanggap natin ang Kanyang pangako at matamasa ang Kanyang mga pagpapala. Lalo na sa mga huling araw, ang pagnanais nating makita ang pagbabalik ng Panginoon ay higit pang mahalaga. Magpatuloy magbasa “Ang Daan ng Pagdating ng Panginoon-Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon”→
Mga Nilalaman
Ang Kaligtasan ng Diyos sa Sangkatauhan sa Panahon ng Kautusan
Ang Kaligtasan ng Diyos para sa Sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya
Kaligtasan ng Diyos sa Sangkatauhan sa mga Huling Araw
Ang maligtas ng Diyos ay hindi katulad ng pagsagip. Hindi iyon tulong na ibinibigay ng mayaman sa mahirap, hindi iyon pagliligtas ng doktor sa buhay ng isang pasyente, at hindi ito ang mapagmahal na tulong ng isang mabait na tao o mapagkawang-gawang organisasyon. Ang kaligtasan ng Diyos ay inihahanda upang mailigtas ang sangkatauhan at ito ay nag-uumapaw sa dakilang pag-ibig at awa ng Diyos para sa sangkatauhan. Magpatuloy magbasa “Pananampalataya at Buhay-Ano ang Kaligtasan at Paano Ito Natatamo Mula sa Diyos”→
Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (6) “Paano Ginagamit ng Diyos si Satanas para Makapaglingkod?”
Sabi ng Diyos, “Sa Aking plano, si Satanas ay laging nakasunod sa bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging sumusubok maghanap ng mga daan at paraan upang masira ang Aking orihinal na plano. Ngunit susuko ba Ako sa mapanlinlang na pamamaraan? Ang lahat ng sa langit at ng sa lupa ay naglilingkod sa Akin—ang mapanlinlang na pamamaraan ba ni Satanas ay may pagkakaiba? Magpatuloy magbasa “Pagbubunyag ng Katotohanan (6) “Paano Ginagamit ng Diyos si Satanas para Makapaglingkod?””→
I
Naibalik ang tao sa dati niyang anyo.
Tungkuli’y matutupad, lugar nila’y hawak,
ayos ng Diyos ay masusunod.
May grupo na ang Diyos na sa lupa Siya’y sasambahin.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.
Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.
II
Tagumpay Niya’y magpakailanman sa lupa.
Kaaway Niya’y magpakailanman masisira.
Ibabalik nito ang plano nang tao’y lalangin.
Ibabalik nito ang plano nang lahat ay lalangin,
at ibabalik kapangyarihan Niya sa lupa,
Kapangyarihan Niya sa lahat at sa mga kaaway Niya.
Ito’y mga simbolo ng tagumpay, ng ganap Niyang tagumpay.
Ito’y mga simbolo ng tagumpay, ng ganap Niyang tagumpay.
III
Mula ngayon tao’y papasok sa kapahingahan,
papasok sa buhay na may tamang landas.
Papasok rin ang Diyos kasama ng sangkatauhan,
papasok sa walang hanggang buhay kasama ng tao.
Wala na ang pagkasala’t pag-alsa.
Panaghoy sa lupa mawawala, lahat ay mawawala.
Ang mga lumalaban sa Diyos wala na sa lupa.
Diyos lang at mga taong naligtas ang mananatili.
Kanyang mga likha’y mananatili.
Kanyang mga likha’y mananatili.
Kanyang mga likha’y mananatili.
Kanyang mga likha’y mananatili.
Pag-ibig sa Diyos, kaligtasan, Patotoo, tagalog christian songs, Makapangyarihang Diyos, Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kanta ng Papuri (Tagalog) , purihin ang Diyos, Kaharian, Maluwalhati, Kristiyano, Kaligtasan, panginoon Jesus, Praise and Worship, Gospel Music, Christian Music, Tagalog music video,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,
“At ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).
“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa. Magpatuloy magbasa “Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?”→
Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.