Posted in Mga Himno

Tagalog Gospel Songs | “Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig” (Opisyal na Music Video)

I
Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.
Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay pangkaharian.
Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,
nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.
Salita Mo’y umaakay sa amin at kami’y matamang sumusunod sa Iyo.
Sa D’yos na biyaya, disposisyong masama ay naiwaksi.
Lasap namin ang salita ng D’yos at namumuhay ng isang bagong buhay sa harap Niya.
Mahalin puso ng D’yos, tunay na ibigin Siya, pasalamatan at purihin Siya.
La la la la la … la la la la la … Magpatuloy magbasa “Tagalog Gospel Songs | “Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig” (Opisyal na Music Video)”

Posted in Mga Himno

Tagalog Christian Songs- Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

I
Nais kong umiyak nguni’t walang maiyakan.
Nais kong umawit nguni’t walang maawit.
Nais kong ipahayag pag-ibig ng isang nilalang.
Naghahanap saan-saan, ngunit nadarama’y di masabi.
Praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Kamay ‘tinataas sa pagpupuri’t galak, naparito Ka sa mundo. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Songs- Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang”

Posted in Mga Himno

Awit at Papuri | “Dalawang Libong Taon ng Pananabik” | Meet With the Lord

Tagalog Christian Music Video | “Dalawang Libong Taon ng Pananabik” | Meet With the Lord
Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong ‘di namamangha dito?
Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?
Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit ‘di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.

Matapos Niyang lumisan mula sa Judea,
naglaho ang Diyos nang walang bakas.
Nasabik ang mga taong makita Siyang muli,
ngunit ‘di nila kailanman inasahan
ang makasama Siyang muli dito at ngayon.
Paanong hindi nito maibabalik ang mga alaala nang lumipas?
Dalawang libong taon na ang nagdaan,
Nakilala ni Simon na anak ni Jonah ang Panginoong Hesus,
at nakasalong kumain sa iisang hapag.
Pinalalim ng mga taon ng pagsunod
ang pagmamahal niya sa Kanya.
Minahal niya si Jesus
hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso.
Maraming taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit ‘di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao,
para muling ibalik ang dati Niyang pag-ibig sa tao.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Manood ng higit pa :Tagalog Christian Songs mp3 Free DownloadDi Ako Iniligtas ng D’yos

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Tagalog Worship Songs-Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan

I
Nais ng Diyos na maraming tao ang mag-aaral nang mabuti
kapag naharap sa salita ng Diyos at Kanyang gawain,
lumalapit sa mahalagang salita na ito
na may maka-diyos na puso.
Huwag sundan ang yapak ng mga pinarusahan.
Huwag tularan si Pablo, tamang daa’y malinaw na alam
ngunit sadyang sumuway, nawala ang handog sa kasalanan.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kamtin katotohanan Nyang bigay.
Gayo’y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos! Magpatuloy magbasa “Tagalog Worship Songs-Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan”

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Tagalog Gospel Songs| Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos

Tagalog Christian Music Video | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos
Diyos nagkatawang-tao upang mamuhay sa gitna natin.
Sa kababaa’t kahihiyan, inalay sa’tin kaligtasan.
Nguni’t ‘di ko S’ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N’ya sa pagrebelde ko’t paglaban!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, sala ko’y nilimot Mo na.
Natiis Mo na lahat ng pagkarebelde ko
nguni’t biyaya muli’y alay.
Batid na itinataas Mo, ako’y puno ng kahihiyan.
Lubhang ‘di ‘ko karapat-dapat sa’Yong pagmamahal! Magpatuloy magbasa “Tagalog Gospel Songs| Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos”

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Awit ng papuri | “Mahal Ko, Pakihintay Ako” | Praise the Love of God Wholeheartedly

I
Sa ibabaw ng mga puno, umaakyat sa payapang buwan.
Bilang mahal ko, marikit at maganda.
O mahal ko, nasaan Ka?
Ngayon ako’y lumuluha. Naririnig Mo ba akong umiiyak?
Ikaw ang Siyang sa aki’y nagmamahal.
Ikaw ang Siyang sa aki’y kumakalinga.
Ikaw ang Siyang sa aki’y nag-iisip lagi.
Ikaw ang Siyang nagpapahalaga sa aking buhay.
Buwan, balik sa kabilang panig ng papawirin.
Huwag mong paghintayin ang mahal ko nang matagal.
Pakisabi sa Kanya na nangungulila ako sa Kanya.
Huwag kalimutang dalhin ang aking pagmamahal,
dalhin ang aking pagmamahal. Magpatuloy magbasa “Awit ng papuri | “Mahal Ko, Pakihintay Ako” | Praise the Love of God Wholeheartedly”

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Tagalog Worship Songs| “Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad”

I
Ang Diyos ay praktikal na Diyos.
Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita,
mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal.
Lahat ng iba pa’y hungkag at hindi tama.
Gagabay sa tao Banal na Espiritu
tungo sa mga salita ng Diyos.
Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong
hanapin, alamin, at maranasan ito.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
II
Siya na mas nakakaalam ng realidad ay kayang makita
kung kaninong mga salita ang totoo,
at mas kaunti ang mga akala.
Mas maraming karanasan,
mas lalong malalaman ng tao ang mga gawain ng Diyos
at iwawaksi ang kanilang mga kasamaan.
Mas marami silang taglay na realidad,
mas makikilala nila ang Diyos,
kamumuhian ang laman at mamahalin ang katotohanan,
mas malapit sa mga pamantayan ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
III
Mamuhay sa liwanag ng Diyos ngayon,
lilinaw ang iyong landas ng pagsasagawa.
Mapapalaya mo ang iyong sarili sa dating gawain
at lumang relihiyosong pag-iisip.
Ngayon ang pansin ay sa realidad.
Kapag mas taglay ito ng tao,
mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan
at pag-unawa sa kalooban ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Isang Ilog ng Tubig ng Buhay”

I
Isang ilog ng tubig ng buhay, singlinaw ng kristal,
umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
Sa kabilaang bahagi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay,
na may labindalawang uri ng bunga,
at nahihinog bawat buwan.
Ang mga dahon ng puno ay sa pagpapagaling ng mga bansa.
Mawawala na ang sumpa, wala nang sumpa.
Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay lalagi na sa lungsod.
Ang mga lingkod Niya’y maglilingkod sa Kanya,
at makikita nila ang Kanyang mukha,
makikita ang Kanyang mukha.
Ang pangalan Niya’y ilalagay sa kanilang mga noo.
At mawawala na ang gabi; di kailangan ang kandila,
walang kandila, o ng liwanag ng araw;
dahil ang Panginoong Diyos
ang nagbibigay sa kanila ng liwanag.
Sila’y maghahari magpakailanman.
Sila’y maghahari magpakailanman. Magpatuloy magbasa “Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Isang Ilog ng Tubig ng Buhay””

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Tagalog Music Video | “Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan” | Praise and Worship

Tagalog Music Video | “Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan” | Praise and Worship

I
Balik sa pamilya ng D’yos, sabik, masaya.
Kamay ko’y tangan ang sinta, puso’y sa Kanya.
Lambak ng Luha ma’y dinaanan, rikit ng D’yos nakita.
Pag-ibig bawa’t araw lumalago, D’yos aking galak.
Nagayuma ng ganda ng D’yos, puso’y kapit sa Kanya.
D’yos ‘di maibig nang sapat, awiting papuri ay apaw. Magpatuloy magbasa “Tagalog Music Video | “Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan” | Praise and Worship”

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos

Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos!
Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw;
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda,
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin. Magpatuloy magbasa “Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos”