Posted in Mga Patotoo

Kasama Nang Muli ng Diyos

010-主耶稣带着众天使降临-加人-ZB-20190809

Ni Jianding, Estados Unidos

Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad ay tinuruan ako ng ina ko na magbasa ng Biblia. Iyon ay noong panahong binubuo ng Partido Komunista ng Tsina ang bansa pagkatapos ng digmaang sibil, at dahil sinusugpo ng pamahalaang CCP ang lahat ng relihiyon, 20 taong gulang na ako bago ako nagkaroon sa wakas ng pagkakataong magsimba at makinig sa mga sermon. Madalas sabihin sa amin ng pari: “Tayong mga Katoliko ay dapat ikumpisal nang tama ang mga kasalanan natin at magsisi. Dapat tayong gumawa ng mabuti, hindi ng masama, at laging dumalo sa Misa. Sa mga huling araw, darating ang Panginoon at hahatulan ang bawat isa at ipadadala ang mga tao sa langit o sa impiyerno base sa kanilang pag-uugali. Magpatuloy magbasa “Kasama Nang Muli ng Diyos”

Posted in Mga Aklat, Mga Patotoo

Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nangangaral at gumagawa lamang ang isang tao para sa Panginoon?

DF0K023M-20200121-A-06-4K-ZB

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37–39).

Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya, at siya’y gagawin naming aming tahanan. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita” (Juan 14:23–24).

Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko” (Juan 8:31). Magpatuloy magbasa “Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nangangaral at gumagawa lamang ang isang tao para sa Panginoon?”

Posted in Mga Patotoo

Ang Panginoon Ay Nagpakita sa Silangan

83504841_781350209016631_5379923262429986816_o

Ni Qiu Zhen, Tsina

Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!”
Nang marinig kong sabihin ito ng kapatid ko, bigla kong naisip: “Nitong mga nakaraang taon, nagpapatotoo ang Eastern Lightning na nagbalik na ang Panginoong Jesus; maaari kayang tinanggap na ng kapatid kong babae ang Eastern Lightning?” Bago pa ako makapagsalita, siryosong sinabi ng kapatid ko, “O, Qiu Zhen! Nagkatawang-tao na muli ang Panginoon at pumunta sa ating bansa, Tsina.” Nagmamadali kong sinabi, “Huwag kang magpapaniwala sa lahat ng naririnig mo. Magpatuloy magbasa “Ang Panginoon Ay Nagpakita sa Silangan”
Posted in Mga Patotoo

Panginoong Jesus ay ang patawarin at pawalang-sala tayo mula sa ating mga kasalanan, Paano ba talaga natin dapat unawain ang disposisyon ng Diyos?

KB054-國度福音經典問答(選編一)-ZB20181006-TL

Ang isang aspeto ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay ang patawarin at pawalang-sala tayo mula sa ating mga kasalanan, samantalang ang isa pang aspeto ay ang pagkalooban tayo ng kapayapaan, kagalakan, at saganang biyaya. Naipakita sa atin nito na ang Diyos ay isang maawain at mapagmahal na Diyos.Pero, nagpapatotoo ka na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, na ipinapahayag Niya ang katotohanan at hinahatulan at kinakastigo ang tao,tinatabasan at pinakikitunguhan ang tao, inilalantad ang tao at inaalis ang lahat ng uri ng masasamang tao, masasamang espiritu at mga anticristo, na pinapayagang makita ng mga tao na hindi pinagbibigyan ng matuwid na disposisyon ng Diyos ang anumang kasalanan. Bakit lubos na naiiba ang disposisyong ibinunyag sa gawain ng Panginoong Jesus sa disposisyong ibinunyag sa gawain ng Makapangyarihang Diyos? Paano ba talaga natin dapat unawain ang disposisyon ng Diyos?

Sagot:Mula nang isagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, nakita na natin na puno Siya ng pagpaparaya at pagpapasensiya, pagmamahal at awa. Basta’t nananalig tayo sa Panginoong Jesus, mapapawalang-sala tayo at matatamasa natin ang biyaya ng Diyos. Dahil dito, natiyak na natin na ang Diyos ay isang mapagmahal at maawaing Diyos, na walang hanggan Niyang pinatatawad at pinawawalang-sala ang tao sa lahat ng kasalanan niya, at lagi tayong tinatrato ng Diyos na tulad sa pagtrato ng isang ina sa kanyang mga anak, may sukdulang pag-aaruga, hindi nagpapakita ng galit kailanman. Samakatuwid, maraming nalilito kapag nakikita nila ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na nagpapahayag ng mga katotohanan at hinahatulan ang tao sa mabagsik na pananalita na napakalinaw na naglalantad nang walang-awa sa katiwalian ng tao; hindi nila nauunawaan kapag tinutuligsa at isinusumpa Niya ang masasamang tao, ang mga anticristo at Fariseo. Nadarama nila na hindi dapat gumamit ng mabagsik na pananalita ang Diyos sa paghatol sa tao. Magpatuloy magbasa “Panginoong Jesus ay ang patawarin at pawalang-sala tayo mula sa ating mga kasalanan, Paano ba talaga natin dapat unawain ang disposisyon ng Diyos?”

Posted in Mga Patotoo

Ang Panginoong Jesus ba ay Diyos o ang Anak ng Diyos?

Ni: Xie Wen, Japan

Kamakailan, nang malapit ng matapos ang isang grupo sa pag-aaral ng Biblia, ang Kapatid na Li, isang manggagawa, ay nagtanong ng ganito: “Nakatala sa Biblia, ‘At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan’ (Mateo 3:16-17). Magpatuloy magbasa “Ang Panginoong Jesus ba ay Diyos o ang Anak ng Diyos?”

Posted in Mga Patotoo

Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas

Ling Wu, Japan

“Kung ‘di ako iniligtas ng D’yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa’t araw walang pag-asa. Kung ‘di ako ‘niligtas ng D’yos, niyuyurakan pa rin ng d’yablo, gapos ng sala’t ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong ‘di batid, ba’t dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, litó pa rin sa kaligtasan, nakátánglâ sa kawalan, hindi alam sinong aasahan. Sa wakas aking naunawaan, kamay ng D’yos ako’y tangan. Di na ko aalis, ‘di maliligaw, lalagi sa ningning na daan” (“Kung ‘Di Ako Iniligtas ng D’yos” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Magpatuloy magbasa “Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas”

Posted in Mga Patotoo

Kristiyanong Pag-ibig: Paano Malalampasan ang Paghihiwalay

Ni Shuyi, South Korea

Isang umaga noong umpisa ng tag-init, isang mabining halimuyak ang kumalat sa hangin at pumasok sa bawat sulok ang sinag ng araw. Suot ang isang bulaklaking malambot na bestida, masayang umupo si Qinyi sa istasyon ng tren, hinihintay ang pagdating ng kasunod na tren. Lumilingon, nagkataong nakita ni Qinyi sa isang video screen ang isang babae na nakikipaghiwalay sa isang lalaki dahil may ibang babae ito, pagkatapos ay tumalikod ang babae at umaalis nang umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi. Tumitig nang husto si Qinyi sa screen. Noon din, bigla niyang naisip kung paano siya noon, noong mayroon pa siyang pananabik para sa isang magandang pag-ibig kung saan magkasama nilang tatahakin ng kanyang nobyo ang buhay, ngunit sa huli, tanging mga pilat at sugat lamang ang natanggap niya … Magpatuloy magbasa “Kristiyanong Pag-ibig: Paano Malalampasan ang Paghihiwalay”

Posted in Mga Patotoo

Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?

Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Magpatuloy magbasa “Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?”

Posted in Mga Patotoo

Paano Ko Nagawang Makasundo ang Manugang Ko

Liu Jie, Hunan

Magkaibang Pananaw, Palagiang Mga Pagtatalo

Ako ay isang pangkaraniwang maybahay, isang mabuting asawa at mapagmahal na ina, inaalagaan kong mabuti ang aking asawa at mga anak, masipag at mapag-impok ako sa pagpapatakbo ng aking tahanan, at hindi ko kailanman ginastos nang basta-basta ang aking pera. Ngunit may isang bagay na hindi ko mailarawan ang nangyari sa akin. Ang aking anak ay nag-asawa ng isang pusturiyosong babae na talagang hilig ang magsaya at magbihis nang magara at sumunod sa mga uso sa sanlibutan. Magpatuloy magbasa “Paano Ko Nagawang Makasundo ang Manugang Ko”