Posted in Mga trailer

Best Tagalog Christian Movie Trailer | “Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train”

Best Tagalog Christian Movie Trailer | “Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train”

Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Magpatuloy magbasa “Best Tagalog Christian Movie Trailer | “Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train””

Posted in Mga trailer

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Tagalog Christian Movie Trailer | “Kumawala sa Bitag” (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Movie Trailer | “Kumawala sa Bitag” (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Movie Trailer “Kumawala sa Bitag” | See Through Rumors and Welcome the Lord
2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Magpatuloy magbasa “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Tagalog Christian Movie Trailer | “Kumawala sa Bitag” (Tagalog Dubbed)”

Posted in Mga trailer

Tagalog Christian Movie Trailer | “Mapalad ang Mapagpakumbaba” (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Movie Trailer | “Mapalad ang Mapagpakumbaba” (Tagalog Dubbed)

Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movie Trailer | “Mapalad ang Mapagpakumbaba” (Tagalog Dubbed)”

Posted in Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo, Mga trailer

Tagalog Christian Movie | “Kaligtasan” (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?
Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party. Nang palabasin siya ng bilangguan, patuloy niyang ginampanan ang kanyang mga tungkulin, nagtamo ng kaunting praktikal na karanasan, at nilutas ng kanyang mga sermon at gawain ang ilang praktikal na problema para sa kanyang mga kapatid. Kalaunan, inaresto rin ang kanyang asawa, pero hindi siya nagreklamo, naging negatibo, o nanghina…. Dahil sa lahat ng ito binati at pinuri siya ng kanyang mga kapatid. Naniniwala si Xu Zhiqian na nasa kanya ang realidad ng katotohanan at na walang problema sa pagpasok sa kaharian ng langit. Pero di nagtagal, nagkaroon siya ng di-inaasahang pagsubok— ang asawa niya ay namatay sa pagpapahirap ng mga pulis ng CCP. Si Xu Zhiqian, na balisa, ay may mga paniwala, maling pagkaunawa, at reklamo tungkol sa Diyos, at naiisip ding magrebelde at magtaksil sa Diyos…. Kalaunan, nang matanto niya na nagtataksil siya sa Diyos, nagsimula siyang magnilay-nilay, at nag-isip kung ang mga taong nagdaraan sa mga pagsubok, na katulad niya, at pagkatapos ay nagrereklamo, nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at nagtataksil sa Kanya ay talagang maliligtas. Talaga bang nararapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos?

Magrekomenda nang higit pa:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Pananalig sa Diyos | Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?

Ang mga Pangunahing paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Posted in Mga trailer, Mga Video

Tagalog Christian Movie | “Pagkamulat” (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>

Lu Xiu’en was a preacher at a house church in China. Believing in the misconceptions spread by religious pastors and elders, she continued to insist that “the Lord Jesus has already forgiven man’s sins, and those who believe in the Lord will always be saved. They don’t need to accept God’s work in the last days.” She opposed and rejected Almighty God’s gospel of the kingdom time and time again…. However, an unexpected incident gave her the opportunity to discover that her pastor behaved a certain way in front of people, and showed his true face behind their backs, and she was able to see her pastor for the hypocrite he was. It was then when Almighty God’s gospel of the kingdom came to her. Witnesses from The Church of Almighty God patiently fellowshiped about and bore testimony to God’s work of the last days for her, and after hearing the words of Almighty God, she was able to understand the truth about the difference between being saved and attaining full salvation and realize that the notions she had adhered to earlier were mere figments of man’s imagination and do not accord with the reality of God’s work. And so, she happily accepted the work of Almighty God in the last days. However, when her pastor learned this, he incited the believers to condemn and abandon her, even getting her family to pressure Lu Xiu’en…. Lu Xiu’en sunk into pain and was at a complete loss. In the end, she was able to understand the truth from Almighty God’s words, and she could see that her pastor of the religious world was a hypocrite, an enemy of God who hated the truth with the demonic nature of an antichrist. Lu Xiu’en had awakened completely, and she rejected the deception and control of her pastor. She followed Almighty God, taking the path to pursue the truth and attain full salvation …

Manood ng higit pa:

Tagalog Kristiyanong Pelikula | “Ang Misteryo ng Kabanalan”

Posted in Mga trailer, Mga Video

Ebangheliyong pelikula | “Pananabik” (Trailer)

★*★*★*★✨🌹✨★*★*★*★*★*★*★*★✨🌹✨★*★*★*★*

Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon …

 

Posted in Mga trailer, Mga Video

Ebangheliyong pelikula | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)

Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

════ ♡♡♡ ════

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

 

 

Posted in Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo, Mga trailer

Christian Movie | “Awit ng Tagumpay” God’s Judgment in the Last Days (Trailer)

Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? …

💛❤️💚❤️

💚 ☪️💕💛❤️👍👍💙
Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

 

 

Posted in Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo, Mga trailer

Tagalog Christian Testimony Video 2018 | “Seventeen? Ano Ngayon!” (Trailer)

“Bata! Alam mo ba’ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano’ng Diyos ang naroon para sa iyo para paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?” “Huwag mo’ng ipalagay na dahil bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka’ng maniniwala sa Diyos, mamatay ka agad! “ Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa.

Ang pangalan ng binatilyo ay Gao Liang at labimpitong taong gulang lang siya nuong taong iyon. Pauwi siya ng bahay niya mula sa pagpapakalat ng ebanghelyo kasama ang nakatatanda niyang kapatid nuong inaresto siya ng mga pulis ng Komunistang Tsino. Hindi siya binigyan ng mga pulis ng kahit na ano’ng makakain at hindi rin siya hinayaang matulog ng tatlong araw at tatlong gabi. Tinanong siya, pinilit siyang pinaamin at isinailalim siya sa malupit na tortyur. Ginamit nila ang mga de-kuryenteng pamalo para sindakin siya, kinuryente nila ang baba, at ang kanyang ari. Sinubukan nilang puwersahin siya para ipagkanulo ang Diyos at ibigay sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa mga pinuno ng simbahan at sa pinagkukunan ng pondo ng iglesya sa pamamagitan ng panggigipit sa kanya. Kasama na rito ang pagbabantang pag-aresto sa mga magulang niya at ang utusan ang eskuwelahan niya na patalsikin siya. Dahil sa pagkabigong maisakatuparan ang layunin nila, sinentensyahan siya ng Pamahalaang Komunista ng Tsino ng isang taon ng pagbabalik-aral sa pamamagitan ng mabigat na paggawa. Sa loob ng bilangguan, , hindi lang hirap sa sobrang paggawa ang tiniis ni Gao Liang, ipinapahiya rin siya at sinasaktan. Sa loob ng kulungan, naranasan niya ang tinatawag na impiyerno sa lupa. Habang nagdurusa siya sa pagkakakulong niya, nagdasal si Gao Liang at nanalig sa Diyos. Naliwanagan siya ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang maunawaan niya ang layunin ng Diyos. Binigyan siya nito ng pananampalataya at lakas at ginabayan siya nang sa ganoon ay malampasan niya ang isang taon sa loob ng bilangguan. Ang pag-uusig at pag-aresto ng Pamalaang Komunista ng Tsino ay nakaukit na sa puso ni Gao Liang. Malinaw niyang nakikita at labis niyang naranasan ang masamang kakanyahan ng Pamahalaang Komunista ng Tsino at ang pagsalungat nito sa Diyos. Sa mundong ito kung saan ang kapangyarihan ni Satanas ang nangingibabaw, tanging Diyos lang ang nagmamahal sa tao. Tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao. Ang pananampalataya at kagustuhan niyang sundin ang Diyos ay lalong naging matatag. Sinabi ni Gao Liang na ang mga pagsubok at paghihirap ay mga mahahalagang kayamanan para sa paglago at pag-unlad ng buhay niya. Isa iyong espesyal na regalo na ibinigay sa kanya ng Diyos para sa ika-labimpitong kaarawan niya.

🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Posted in Mga trailer, Mga Video

Ebangheliyong pelikula | “Huwag Kang Makialam” Trailer (Tagalog Dubbed)

                 🍀🍀🍀 🍀🍀🍀 🍀🍀🍀 🍀🍀🍀 🍀🍀🍀 🍀🍀🍀 🍀🍀🍀 🍀🍀🍀

Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba’t ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba’t ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba’t ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba’t ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, “Wala n’yo kaming pakialaman!” Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos