Posted in Mga Video

Tagalog Christian Gospel Video | “Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong” (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Gospel Video | “Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong” (Tagalog Dubbed)

Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Gospel Video | “Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong” (Tagalog Dubbed)”

Posted in Mga Video

Tagalog Christian Movie | “Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan”

Tagalog Christian Movies | “Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan”

Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movie | “Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan””

Posted in Mga Video

Tagalog Full Christian Movie | “Mabuting Tao Ako!” | How to Be Good People in the Eyes of God

Tagalog Full Christian Movie | Mabuting Tao Ako!

Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba. Pero matapos niyang tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw at sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, saka lang siya namulat, at natanto niya na hindi siya isang tunay na mabuting tao. Bagkus, namuhay siya base sa masasamang pilosopiya, at isang mapakamakasarili at tusong “mabuting tao.” Naging determinado siyang hanapin ang katotohanan at amging mabuting taong tapat at matwid …. Ano ang mga naranasan ni Yang Huixin para sumailalim siya sa gayong pagbabago? Magpatuloy magbasa “Tagalog Full Christian Movie | “Mabuting Tao Ako!” | How to Be Good People in the Eyes of God”

Posted in Mga Video

Tagalog Christian Movie |Ang Pag-ibig ng Isang Ina

Tagalog Christian Movie |Ang Pag-ibig ng Isang Ina

Ang “Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran” at “Naging dragon ang anak na lalaki, naging phoenix ang anak na babae” ay mga pag-asang taglay ng halos lahat ng magulang para sa kanilang mga anak. Para matiyak na makakapasa ang kanyang anak na babaeng si Jiarui sa kanyang university entrance exams at test sa isang magandang unibersidad, ipinasiya ni Xu Wenhui na magretiro sa kanyang trabaho bilang sales director para samahan si Jiarui nang mag-aral ito para muling kumuha ng kanyang mga test. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movie |Ang Pag-ibig ng Isang Ina”

Posted in Mga Video

Tagalog Christian Movie | “Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy”

Tagalog Christian Movie | “Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy”

Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit? Ang Kristiyanong si Song Enze ay inaresto at ikinulong ng Chinese Communist Party nang pitong taon dahil naniwala siya sa Diyos at nangaral ng ebanghelyo ng Diyos. Nang makalaya na siya, nagpilit siyang magpatuloy sa paggugol para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Pakiramdam niya, sa pagtalikod sa kanyang tahanan at propesyon, pagpapagod, at pagtatrabaho, ginagawa niya ang kalooban ng Diyos, at na siguradong matatamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos at dadalhin siya ng Diyos sa kaharian ng langit. Kalaunan, nagkasakit nang malubha ang anak na lalaki ni Song Enze, at nanganib ang buhay, na ikinasama ng loob ni Song Enze sa Diyos, tinangka niyang makipagtalo sa Diyos, at nawalan siya ng hangaring gawin ang kanyang mga tungkulin. Sa pamamagitan ng ipinakita sa kanyang mga totoong pangyayari sa kanyang sitwasyon at ng mga paghahayag sa salita ng Diyos, natanto ni Song Enze na ang maraming taon ng pagtalikod at paggugol niya para sa Diyos ay dating pagtatangka niyang ipalit iyon sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at na hindi siya isang taong masunurin sa Diyos. Sa huli, sa pamamagitan ng paghahanap, natutuhan din niya sa wakas kung paano sikaping makawala sa kanyang mga tiwaling disposisyon, maging tunay na masunurin sa Diyos, at maligtas ng Diyos.

Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/videos/baptism-by-fire-movie.html

Posted in Mga Video

Mga Pagsasalaysay ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)

Mga Pagsasalaysay ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos | “Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na May Dakilang Kapangyarihan ang Diyos sa Kapalaran ng Tao (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)”

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, bawat saglit. Kung ang langit at lupa ay pumanaw, ang Kanyang awtoridad ay kailanman di-papanaw, sapagkat Siya ay Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi natatakdaan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ay ang di-mababagong kapalaran mula pa noong unang kapanahunan!”

Posted in Mga Video

Christian Maiikling Dula-Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?

Tagalog Christian Skit | “Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?”

Si Zhang Mude ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia, at naniniwala siya na “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Iniisip niya na dahil naniniwala siya sa Panginoong Jesus, ang tawag na sa kanya ay matuwid, na nagtamo na siya ng kaligtasan, at na pagbalik ng Panginoon, tuwiran siyang madadala sa kaharian ng langit. Isang araw, nagbalik ang kanyang anak na babae mula sa gawaing misyonero sa ibang mga rehiyon at nagduda sa pananaw na ito, na maraming taon niyang pinanghawakan. Mula noon, nagsimula ang matinding pagtatalo sa tatlong magkakapamilyang ito tungkol sa kung ang pagtatamo ng kaligtasan ay magtutulot sa isang tao na makapasok sa kaharian ng langit, kung anong klaseng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit, at mga paksang kaugnay nito …

Pinagmumulan: https://youtu.be/udjTgTODFt8

Posted in Mga Video

Tagalog Christian Movies-Tawag ng Diyos | Dramang Musikal “Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-9 Pagganap”

Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan
Ang tao’y naglakad kasama ang D’yos sa paglipas ng mga taon,
ngunit di alam ng tao na hawak ng Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay.
Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos, mamahala sa lahat ng bagay.
Gayong bagay ang di alam ng tao noon hanggang ngayon
di dahil mailap ang mga gawa ng Diyos,
o plano Niya’y di pa naisakatuparan,
nguni’t dahil puso’t espiritu ng tao, napakalayo sa D’yos.
Kahit tao’y sumusunod sa Diyos.
Walang malay siyang nagsisilbi kay Satanas.
Walang aktibong humahanap sa bakas ng D’yos.
Walang sinumang aktibong naghahanap sa pagpapakita ng D’yos,
at wala ring nais mabuhay sa pag-aruga’t pag-iingat ng D’yos.
Mas gusto nilang umasa sa kaagnasan ni Satanas
upang umangkop sa masasamang tuntunin ng buhay ng tao. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movies-Tawag ng Diyos | Dramang Musikal “Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-9 Pagganap””

Posted in Mga Video

Tagalog Christian Movies | “Ang Sandali ng Pagbabago” | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movies | “Ang Sandali ng Pagbabago” | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven”

Posted in Mga Video

Kristianong video| “Suwerte at Kasawian” Christian Testimony (Tagalog Dubbed)

Dahil siya ay nagmula sa dukhang pamilya, mula pa sa pagkabata determinado na si Du Juan na yumaman at magkaroon ng mas magandang buhay. Para magkatotoo ang mithiing ito, tumigil siya sa pag-aaral para magtrabaho, anuman ang kaya niyang gawin para magkapera. Hindi siya nagreklamo kapag mahirap at nakakapagod ang trabaho. Gayunman, hindi niya nakuha ang hangad niyang resulta. Gaano man siya nagpakasipag, hindi niya natamo ang buhay na gusto niya para sa kanyang sarili. Noong 2008, kimkim ang pangarap na yumaman, nagpunta sila ng kanyang asawa sa Japan para magtrabaho. Pagkaraan ng ilang taon, hinimatay siya sa pagod dahil sa dami ng mabibigat na gawain at sobrang haba ng pagtatrabaho. Magpatuloy magbasa “Kristianong video| “Suwerte at Kasawian” Christian Testimony (Tagalog Dubbed)”