Sagot:
Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng tao! Nakagawa ng malaking pagkakamali ang mga Fariseo sa paghihintay sa pagdating ng Mesias. Ginamit nila mismo ang mga palagay at imahinasyon ng tao upang sukatin ang Panginoong Jesus na dumating na. Sa huli, ipinako nila ang Panginoong Jesus sa krus. Magpatuloy magbasa “Pinatototohanan mo na ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, subalit pinagtitibay ng karamihan sa mga pastor at elder ng mga relihiyon na babalik ang Panginoon na may mga ulap, at ibinabatay nila ito sa mga bersikulo sa Biblia na: “Itong si Jesus … ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata” (Pahayag 1:7). At bukod pa riyan, tinuturuan din tayo ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito sa mga ulap ay bulaan at kailangang talikuran. Kaya hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama bang tanggapin itong katotohanan o hindi?”