Posted in Mga Pagbigkas ni Cristo

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos -Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag ng Diyos sa Gawain ng Kapanahunan ng Biyaya

32. Pagkatapos nito, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong natisod na sangkatauhan (at hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal-na-kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal-na-kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagka’t naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Magpatuloy magbasa “Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos -Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag ng Diyos sa Gawain ng Kapanahunan ng Biyaya”

Posted in Hymn Videos

Tagalog Worship Songs | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

Tagalog Worship SongsGaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Bibliya
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao Magpatuloy magbasa “Tagalog Worship Songs | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao”

Posted in Mga Pagbigkas ni Cristo

Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?

Pag-ibig ng Diyos,Kaharian,kaligtasan

 

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay…” (Juan 14:6)
…ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:10).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya. At sa gayon, sa pagtukoy[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyan-pansin ang Kanyang sustansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba) sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pansinin ang Kanyang sustansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao. Magpatuloy magbasa “Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?”

Posted in Mga Patotoo

Ang Patotoo ng isang Cristiano-Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Sa mga sumunod na araw, hindi man nahulog si Jingru sa tukso ni Satanas at alam niyang hindi na sila maaaring magsama ni Wang Wei, patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang pakikipagkita niyang iyon kay Wang Wei tulad ng isang eksena sa pelikula …

Nang muli siyang tawagan ni Wang Wei, saglit siyang hindi napakali, at sinabi niya sa kanyang sarili: “Hindi na maaring maging tayo, pero maaari pa naman tayong maging ordinaryong magkaibigan. Hangga’t alam ko ang aking mga kinikilos at hindi ako lalampas sa kung ano ang maaari kong gawin, ay ayos lang iyon.” Matapos nito ay sinagot niya ang tawag ni Wang Wei at nag-usap sila. Sa paglipas ng panahaon, madalas nang napapaisip si Jingru kung tatawagan ba siya ni Wang Wei o hindi, hanggang sa puntong nasasabik na ang kanyang puso sa kakaantay. Sa tuwing tatawag ito, palulubagin niya ang kanyang loob bago sasagutin ang telepono na parang wala lang…. Habang tumatagal, lalong dumalas ang mga tawagan sa pagitan nina Wang Wei at Jingru. Ngunit pagkatapos ng bawat tawag, si Jingru ay nababagabag at nasasaktan, at napagtanto niya na ang kanyang mga kilos ay hindi umaayon sa kalooban ng Diyos, at ang kanyang mga nararamdamang sakit at pagkabalisa ay tiyak na pagpapaalala at paninisi sa kanya ng Diyos. Kaya nagmadali siyang humarap sa Diyos at nanalangin: “Diyos ko! Alam kong hindi ako dapat nakikipag-usap kay Wang Wei ngunit hindi ko mapigilan ang puso ko. Hindi ko mapigilang pagbigyan ang sarili ko at mahulog sa kasalanan. O Diyos ko! Hindi ko gustong galitin ka ng mga kilos ko. O Diyos ko! Tulungan po Ninyo ako!” Magpatuloy magbasa “Ang Patotoo ng isang Cristiano-Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)”

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Tagalog Praise Songs | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

Tagalog Praise Songs | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

I
Ngayon ako’y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko’y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita’y pinupuno ako ng kalugura’t kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili’t dumilig sa’king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa’kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo’y umaawit sa Iyo
nang dahil sa’Yong pagpapala. Magpatuloy magbasa “Tagalog Praise Songs | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos”

Posted in Mga Aklat, Tanong at Sagot ng Ebanghelyo

Bakit Jesus ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya?

Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehova ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Cristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. … Magpatuloy magbasa “Bakit Jesus ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya?”

Posted in Mga Himno

Tagalog Gospel Songs-Ang Himno ng Salita ng Diyos Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Biblia
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
II
Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao.
Inosente at puro, hindi nababagabag,
puno ng biyaya sa buhay. Magpatuloy magbasa “Tagalog Gospel Songs-Ang Himno ng Salita ng Diyos Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao”

Posted in Tanong at Sagot ng Ebanghelyo

Pagkakatawang-tao ng Diyos-Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

XBY-20180804-B-19-N0I7PHT-ZB
Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Magpatuloy magbasa “Pagkakatawang-tao ng Diyos-Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao”

Posted in Mga Pagbigkas ni Cristo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Bakit Tinawag ng Diyos na Kapanahunan ng Biyaya ang Pangalawang Kapanahunan?

Panalangin,Biyaya,iglesia

Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawain ng pagtubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”. Kaya ang gawain ni Jesus ay naiba sa nilalaman mula sa gawain ni Jehova, kahit magkapareho ang mga iyon ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehova ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang punong himpilan, iyan ay, ang dakong pinagmulan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagpalabas ng mga kautusan; ang mga ito ay dalawa sa Kanyang mga naisakatuparan, na kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na tinupad ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga utos, kundi upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya at tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang dalawang libong taon. Magpatuloy magbasa “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Bakit Tinawag ng Diyos na Kapanahunan ng Biyaya ang Pangalawang Kapanahunan?”

Posted in Mga Video, Movie Clips

Tagalog Christian Movie | “Huwag Kang Makialam” (Clips 2/5)

Tagalog Christian Movie | “Huwag Kang Makialam” (Clips 2/5) Pagtanggap sa Ebanghelyo ng Ikalawang Pagdating ng Panginoong Hesus at Pagtitipon sa Harap ng Diyos

Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo” (Galacia 1:6). Mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder sa mga salitang ito ni Pablo, at tinutuligsa ang lahat ng taong tumatanggap sa ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, na sinasabi na pag-apostasiya at pagtataksil ito sa Panginoon. Sa gayo’y lumalampas sa ilang nananalig ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, dahil nalinlang sila. Malinaw na ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng tekstong ito ay napakahalaga sa pagtanggap natin sa pagbalik ng Panginoon. Kaya ano ang tunay na kahulugan ng siping ito ng Kasulatan? Pag-apostasiya ba ang tanggapin ang ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus?