Tag: buhay
Ang paghatol ay magsisimula sa tahanan ng Diyos-Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan
Zhang Hua, Cambodia
Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya. Magpatuloy magbasa “Ang paghatol ay magsisimula sa tahanan ng Diyos-Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan”
Awit at Papuri | “Dalawang Libong Taon ng Pananabik” | Meet With the Lord
Tagalog Christian Music Video | “Dalawang Libong Taon ng Pananabik” | Meet With the Lord
Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong ‘di namamangha dito?
Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?
Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit ‘di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.
Matapos Niyang lumisan mula sa Judea,
naglaho ang Diyos nang walang bakas.
Nasabik ang mga taong makita Siyang muli,
ngunit ‘di nila kailanman inasahan
ang makasama Siyang muli dito at ngayon.
Paanong hindi nito maibabalik ang mga alaala nang lumipas?
Dalawang libong taon na ang nagdaan,
Nakilala ni Simon na anak ni Jonah ang Panginoong Hesus,
at nakasalong kumain sa iisang hapag.
Pinalalim ng mga taon ng pagsunod
ang pagmamahal niya sa Kanya.
Minahal niya si Jesus
hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso.
Maraming taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit ‘di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao,
para muling ibalik ang dati Niyang pag-ibig sa tao.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Manood ng higit pa :Tagalog Christian Songs mp3 Free Download – Di Ako Iniligtas ng D’yos
Q&A tungkol sa Ebanghelyo-Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Pahayag 20:11-15). Magpatuloy magbasa “Q&A tungkol sa Ebanghelyo-Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.”
Ebangheliyong pelikula-Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | “Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan”
Sa loob ng libu-libong taon ginusto ng mga mananampalataya sa Panginoon na makamit ang walang hanggang buhay, pero walang nakatupad sa hangaring ito. Ngayon, nalilito ka ba tungkol sa kung mayroon nga ba o walang daan ng walang hanggang buhay o nalilito ka ba tungkol sa kung paano mo hahanapin ito sa paraang makakamit mo ang daan ng walang hanggang buhay? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano makakamit ang daan ng walang hanggang buhay. Magpatuloy magbasa “Ebangheliyong pelikula-Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | “Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan””
Ebangheliyong pelikula| “Mga Pagkakaiba ng Daan ng Pagsisisi at Daan ng Walang Hanggang Buhay”
Ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. Isinasagawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, ipinangangaral Niya ang daan ng pagsisisi. Isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang gawaing paghatol para linisin ang sangkatauahn, dinadala Niya ang daan ng walang hanggang buhay. Ngayon, kung gusto mong malaman ang mga pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at daan ng walang buhay, panoon ang maikling video na ito.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Isang Maling Liko
Tagalog Christian Crosstalk | “Isang Maling Liko” | Who Should We Listen to as We Believe in God?
Nang marinig ni Zhao Xun ang mga salitang binigkas ng nagbalik na Panginoon, nadama niyang ang mga salitang ito’y pawang katotohanan. Gayunman, natakot siya na napakaliit niya at hindi niya kayang makakilala, kaya gusto niyang hanapin ang kanyang pastor bilang tagapag-ingat ng pintuan. Di inaasahan, habang papunta siya sa bahay ng pastor, nasalubong niya si Sister Zheng Lu. Sa pagbabahagi ni Sister Zheng ng katotohanan, sa wakas si Zhao Xun ay nagising at natanto na para masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, kailangang nakatuon siya sa pakikinig sa tinig ng Diyos, na ito lang ang paraan para masundan ang Kanyang mga yapak. Ang pabulag na pagsamba at pagsunod sa mga pastor at elder ay maling pagliko lamang. Magpatuloy magbasa “Isang Maling Liko”
Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto
Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kaakibat? Ikaw ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay papayag na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ano ang alam mo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi mo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi mo pa rin alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto. Maaari lamang silang tumanggap ng isang maliit na sukat ng biyaya upang matamasa nang panandalian at hindi ito maaaring manatiling pangmatagalan. Kung nasisiyahan lamang siya sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring malugod sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang maalwang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang mga pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari pa nga silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, isa lamang itong biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong mahalay. Kahit na araw-araw mong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang iyong espiritu ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi mo maaaring masabi ang anumang kaalaman sa Diyos at sa Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na iyong nakain at nainom, kung nakadarama ka lamang ng kapayapaan at kasiyahan sa iyong espiritu at ang salita ng Diyos ay walang katulad ang katamisan, na parang hindi mo maaaring sapat na tamasahin ang mga ito, ngunit wala kang tunay na karanasan sa at walang katunayan sa salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Magpatuloy magbasa “Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto”
Tagalog Christian Movies | “Hindi Pa Tapos Ang Partido” (Trailer)
Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao
I
Di malinaw para kanino dapat mabuhay ang tao. Ngayo’y alam ko na.
Dati buhay ko’y akin lamang, hanap lamang ay estado at kasikatan.
Dasal sa D’yos puno ng pinong mga salita, datapwa’t kapit sa sarili kong paraan ng buhay.
Pananampalataya batay sa kinabukasan at kapalaran, walang katotohanan o realidad.
Mga ritwal at mga tuntunin, kinukulong pananampalataya; ang nasa akin ay pawang kawalan.
Bigo sa buhay-tao, ‘di karapat-dapat sa pag-ibig ng D’yos sa akin. Magpatuloy magbasa “Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao”