Posted in Ang Trumpeta ng katotohanan

Pananampalataya at Buhay-Ano ang Kaligtasan at Paano Ito Natatamo Mula sa Diyos

what-salvation-is.jpg

Mga Nilalaman
Ang Kaligtasan ng Diyos sa Sangkatauhan sa Panahon ng Kautusan
Ang Kaligtasan ng Diyos para sa Sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya
Kaligtasan ng Diyos sa Sangkatauhan sa mga Huling Araw

Ang maligtas ng Diyos ay hindi katulad ng pagsagip. Hindi iyon tulong na ibinibigay ng mayaman sa mahirap, hindi iyon pagliligtas ng doktor sa buhay ng isang pasyente, at hindi ito ang mapagmahal na tulong ng isang mabait na tao o mapagkawang-gawang organisasyon. Ang kaligtasan ng Diyos ay inihahanda upang mailigtas ang sangkatauhan at ito ay nag-uumapaw sa dakilang pag-ibig at awa ng Diyos para sa sangkatauhan. Magpatuloy magbasa “Pananampalataya at Buhay-Ano ang Kaligtasan at Paano Ito Natatamo Mula sa Diyos”

Posted in Mga Pagbigkas ni Cristo

Sa mga huling araw, isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, na gumagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay sa China.

         Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

        “Sapaqka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).

Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Magpatuloy magbasa “Sa mga huling araw, isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, na gumagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay sa China.”

Posted in MP3

Awit ng papuri-Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos

KB044-跟隨羔羊唱新歌-ZB20181006-TL

Awit ng papuri-Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos

I
Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,
sa paglinaw sa katangian ng tao,
bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.
Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,
katotohanang di saklaw ng tao
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso’t salita, sa isip o gawa,
siya’y tunay na makilala. Magpatuloy magbasa “Awit ng papuri-Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos”

Posted in Mga Video

Tagalog Gospel Movie | “Umuwi ang isang Pagala-galang Puso” | God Led Me Onto the Right Path of Life

noong maliit siya, naniwala si Novo sa Panginoong Jesus, tulad ng kanyang ina. Kahit na madalas siyang nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at dumadalo sa mga sermon, madalas niyang hindi mapigilang sundan ang mga masasamang kalakaran ng mundo, hanapin ang mga kasayahan ng laman, at magsinungaling at mandaya … Maraming beses siyang nagpasyang iwaksi ang buhay na paulit-ulit sa pagkakasala at pangungumpisal, pangungumpisal at pagkakasala. Subalit, palagi siyang nabibigo. Paglaon, noong nagtatrabaho si Novo sa Taiwan, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian, at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos naisip niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na ang Kanyang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga huling araw ay ganap na makakayang lutasin ang problema ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Magpatuloy magbasa “Tagalog Gospel Movie | “Umuwi ang isang Pagala-galang Puso” | God Led Me Onto the Right Path of Life”

Posted in Mga Himno

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito’y nagsimulang mayanig.
Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa’n man Siya magpunta
kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.
II
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito’y nagsimulang mayanig.
Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa’n man Siya magpunta
kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Posted in Mga Himno

Awit ng Papuri | Ibigin ang Praktikal na D’yos nang Ating Buong-puso

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Awit ng Papuri | Ibigin ang Praktikal na D’yos nang Ating Buong-puso

I
La … la la la … la la la….
La … la la la … la la la … la….
Araw ng kat’wira’y sumisikat mula sa Silangan.
O D’yos! L’walhati Mo, pinuno ang langit at lupa.
Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko.
Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D’yos.
Paggising mag-isa sa madaling-araw,
pagnilay sa salita ng D’yos saya ang ramdam.
Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal,
mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha…)
Mundo’y di ko iibigin. Buong- puso, D’yos lang aking iibigin.
Ah ha….ah ha….ah ha….ah ha….
Mundo’y di ko iibigin. Buong- puso, D’yos lang aking iibigin.
Ah ha….ah ha….ah ha….ah ha….
Mundo’y di ko iibigin. Buong- puso, D’yos lang aking iibigin. Magpatuloy magbasa “Awit ng Papuri | Ibigin ang Praktikal na D’yos nang Ating Buong-puso”

Posted in Mga Himno

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Buhay musika|Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Himno|Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Sa Kanyang kamahalan
hinahatulan Niya ang masamang sanlibutan;
hinahatulan Niya ang lahat ng mga bansa
at lahat ng mga tao, ang lupa at mga dagat
at ang lahat ng nabubuhay na mga bagay na nasa kanila,
gayon din sila na lasing sa alak ng kalaswaan.
Tiyak na hahatulan sila ng Diyos,
at tiyak na magagalit Siya sa kanila
at sa ganito ay mahahayag ang kamahalan ng Diyos.
Ang ganitong paghatol ay magiging mabilis
at ipatutupad nang walang pag-antala.
Susunugin silang lahat ng nagliliyab na galit ng Diyos
dahil sa kanilang karumal-dumal na mga krimen
at sasapitin nila ang malaking kalamidad anumang oras;
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan
na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
wala silang malalalamang daan na matatakasan
at walang dakong mapagtataguan,
sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin
dahil sa kapahamakan na kanilang dinala sa kanilang mga sarili.
Ang mananagumpay na minamahal na mga anak ng Diyos
ay tiyak na lalagi sa Sion,
at hindi na lilisanin ito kailanman,
at hindi na lilisanin ito kailanman.
Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos!
Ang pagwawakas ng sanlibutan
ay nagaganap sa ating harapan
Ang paghatol sa mga huling araw ay nagsimula na.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang sangkaramihan ay masusing makikinig sa tinig ng Diyos,
maingat nilang bibigyang-pansin ang mga pagkilos ng Diyos,
at ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
Ang kanilang mga tinig ng pagpupuri sa Kanya
ay hindi na kailanman mapaparam.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Posted in Mga Himno

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Himno|Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos

Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos.jpg

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Himno|Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos

Sa mga gawain ng Diyos,
sinumang tunay ang pagdanas
may galang at takot sa Kanya,
mas mataas kaysa paghanga.
Kastigo’t paghatol N’ya
tao’y kita disposisyon N’ya,
sa puso nila’y igalang S’ya.
Diyos ay dapat sambahin at sundin,
dahil anyo’t disposisyon Niya
kaiba sa mga nilalang,
higit sa mga nilalang.
Diyos lang marapat sambahin at pasakop. Magpatuloy magbasa “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Himno|Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos”

Posted in Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Aklat | Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

paghatol, Kaalaman, buhay, lahat ng bagay, tamang landas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Aklat | Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

  Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa. Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa? Nang umagos ang Aking mga anak at tao sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Na ang ibig sabihin, kapag sinimulan Ko ang Aking gawain sa lupa nang personal, at kapag ang panahon ng paghatol ay malapit na sa pagtatapos, nagsisimula Akong mag-atas ng Aking mga salita sa buong sansinukob, at pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasamang lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at may kahalayan, ngunit isang banal na kaharian. Babaguhin Ko ang lahat ng mga bagay, upang sila ay mailaan para sa Aking paggamit, upang hindi na nila muling dalhin ang makamundong paghinga, at hindi na muling madungisan ng lasa ng lupa. Sa lupa, ang tao ay naghagilap para sa layunin at mga pinagmulan ng Aking mga salita, at nakamasid sa Aking mga gawa, gayon pa man walang kahit sinuman ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng Aking mga salita, at walang kahit sinuman ang tunay na namasdan ang kamanghaan ng Aking mga gawa. Ngayon lamang, kapag Ako ay personal na dumarating kasama ng tao at sinasabi ang Aking mga salita, na ang tao ay may kaunting kaalaman sa Akin, inaalis ang lugar para sa “Akin” sa kanilang mga isipan, sa halip ay lumilikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga pagkaintindi at puno ng pag-uusisa; sino ang hindi nais na makita ang Diyos? Sino ang hindi nagnanais na makaharap ang Diyos? Ngunit ang tanging bagay na sumasakop sa isang tiyak na lugar sa puso ng tao ay ang Diyos na sa pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap maunawaan. Sino ang matatanto ito kung hindi Ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang totoong maniniwala na Ako ay talagang umiiral? Siguradong walang pahiwatig nang pagdududa? May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ang “Ako” ng realidad, at walang sinuman ang may kakayahang maghambing sa kanila. Kung hindi Ako naging katawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na makikilala niya Ako, hindi ba’t ang naturang kaalaman ay isa pa ring pagkaintindi? Sa bawat araw ay naglalakad Ako sa gitna nang walang tigil na daloy ng mga tao, at sa bawat araw ay kumikilos Ako sa loob ng bawat tao. Kapag Ako ay totoong nakita ng tao, magagawa niyang makilala Ako sa Aking mga salita, at maunawaan ang mga paraan kung paano Ako nagsasalita pati na rin ang Aking mga layunin. Magpatuloy magbasa “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Aklat | Ang Ikalabing-isang Pagbigkas”

Posted in Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Aklat | Ang Ikasampung Pagbigkas

pag-ibig, kaharian, katotohanan, katapatan, paghatol

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Aklat | Ang Ikasampung Pagbigkas

  Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, kung iisipin, naiiba mula sa nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa—gawaing kahit ang mga tao ay hindi maaaring maisip ni makamit. Buhat nang nilikha ang sanglibutan hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng mga taon na ito ay palaging patungkol sa pagbuo ng iglesia, ngunit hindi kailanman nakarinig nang pagtatayo ng kaharian. Kahit na nagsasalita Ako nito sa Aking sariling bibig, mayroon bang kahit sino na may alam sa kakanyahan nito? Dati na Akong bumaba sa mundo ng mga tao at naranasan at siniyasat ang kanilang paghihirap, nguni’t hindi natugunan ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Kapag umusad na ang pagtatayo ng kaharian, ang Aking pagkatawang-tao ay pormal nang magsisimula upang isagawa ang paglilingkod; iyon ay, ang Hari ng kaharian ay pormal nang kukunin ang Kanyang pinaka-kataas-taasang kapangyarihan. Mula dito ay maliwanag na ang pagdating ng kaharian sa mundo ng tao, malayo mula sa pagiging salita at mga pagpapakita lamang, ito ay isa sa aktwal na katunayan; ito ay isang aspeto ng kahulugan ng “ang katunayan ng pagsasagawa.” Ang tao ay hindi kailanman nakakita ng kahit isa sa Aking mga gawain, at hindi kailanman nakarinig ng kahit isa sa Aking mga pagbigkas. Kahit nakita niya, ano ang kanyang dapat natuklasan? At kung narinig niya Akong magsalita, ano ang dapat niyang naunawaan? Sa buong mundo, ang lahat ng sangkatauhan ay namamalagi sa loob ng Aking pag-ibig, at Aking habag, nang sa gayon ang lahat ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng Aking paghatol, at gayon din naman sa ilalim ng Aking pagsubok. Ako ay naging maawain at mapagmahal sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay naging tiwali sa isang antas; iginawad Ko ang pagkastigo sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay yumukod sa pagpapasakop sa harap ng Aking trono. Subalit mayroon bang sinumang tao na wala sa gitna ng paghihirap at pagpipino na Aking naipadala? Gaano karaming tao ang nag-aapuhap sa kadiliman para sa liwanag, gaano karami ang mapait na nagtitiis sa kanilang pagsubok na dinaranas? Si Job ay may pananampalataya, at kahit pa, sa kabila nito, hindi ba siya naghahanap ng paraan palabas para sa kanyang sarili? Bagama’t ang Aking bayan ay maaaring tumindig nang matatag sa pagsubok, mayroon bang sinuman, na hindi ito sinasabi nang malakas, ang pinaniniwalaan ito sa kanyang puso? Hindi ba ito kundi na kanyang sinasabi ang kanyang paniniwala habang nag-aalinlangan sa kanyang puso? Walang mga tao na nanindigan sa pagsubok, ang nagbibigay ng tunay na pagsunod sa pagsubok. Hindi Ko ba tinakpan ang Aking mukha upang maiwasan ang pagtingin sa mundong ito, ang buong sangkatauhan ay mabubuwal sa ilalim ng Aking nakasusunog na titig, sapagka’t hindi Ako humiling ng anumang bagay sa sangkatauhan. Magpatuloy magbasa “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Aklat | Ang Ikasampung Pagbigkas”