✿✿✿══☆ღ⭐🌟⭐ღ☆══✿✿✿
Nauugnay sa mga pagbibigkas ng Makapangyarihang Diyos:
Anong panloob na tayog ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong suwail sa mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Mayroong napakaraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at napakaraming mapagkunwari, at kaya isinasailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y dalisayin. …
… Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ang buong disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ano ang dala nito sa iyong laman? Kapag ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ang iyong laman ay tiyak na daranas ng matinding pananakit. Kung hindi mo pagdurusahan ang sakit na ito, sa gayon hindi ka maaaring gawing perpekto ng Diyos, at hindi ka rin maaaring mag-ukol ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay ginagawang perpekto ng Diyos, tiyak na ipakikita Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon—nguni’t sa mga huling araw Kanyang ibinubunyag ito sa grupong ito ng mga tao na Kanyang itinalaga at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao Kanyang inilalantad ang Kanyang mga disposisyon, kung saan sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Ganyan ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos para sa kanila ay nangangailangan sa mga tao na magtiis ng matinding sakit, at magbayad ng isang malaking halaga. Pagkatapos lamang nito na sila ay makakamit ng Diyos at magagawang magsukli ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at doon lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang isakatuparan ang Kanyang kalooban, at ganap na ipagkaloob ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan kung gayon ang lalong higit na pagdurusa at maraming mga pasakit mula sa mga pagkakataon, at magdusa ng sakit na masahol pa kaysa kamatayan, sa kasukdulan mapipilitan silang ibigay ang kanilang totoong puso pabalik sa Diyos. Kung mayroon mang tunay na nagmamahal sa Diyos o wala ay nabubunyag sa panahon ng kahirapan at pagpipino. Dinadalisay ng Diyos ang pag-ibig ng mga tao, at ito rin ay nakakamit lamang sa gitna ng paghihirap at pagpipino.
mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Magpatuloy magbasa “4. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Mga Pagsubok at Pagpipino.” →