Posted in Mga Pagbigkas ni Cristo

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa mga taong nakakalat dito at doon, lahat pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas na. Magpatuloy magbasa “Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob”

Posted in Mga Aklat

Bakit sinasabi na ginagawang ganap ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1). Magpatuloy magbasa “Bakit sinasabi na ginagawang ganap ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao?”

Posted in Balita

Christian Maiikling Dula | Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio

Christian Maiikling Dula | Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio

Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming’en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming’en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Magpatuloy magbasa “Christian Maiikling Dula | Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio”

Posted in Tanong at Sagot ng Ebanghelyo

Nasusulat na, “Ngayon, ay wala nang anomang hatol sa lahat ng na kay Cristo….” (Roma 8:1). Dahil nananalig tayo kay Cristo Jesus, garantisado nang hindi tayo isusumpa at makakapasok tayo sa kaharian ng langit!

1

Sagot: Akala n’yo basta’t nananalig ang isang tao kay Jesucristo, na kay Jesucristo na siya. Ideya ng tao ‘yan. Ang “mga na kay Cristo Jesus” ay hindi tumutukoy sa lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus Karamihan sa mga tao na nananalig sa Panginoong Jesus ay hindi pupurihin ng Diyos, sabi nga ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t marami ang tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Magpatuloy magbasa “Nasusulat na, “Ngayon, ay wala nang anomang hatol sa lahat ng na kay Cristo….” (Roma 8:1). Dahil nananalig tayo kay Cristo Jesus, garantisado nang hindi tayo isusumpa at makakapasok tayo sa kaharian ng langit!”

Posted in Mga Aklat

Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw; bakit kailangan Niyang magkatawang-tao at gawin ito Mismo?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol…. At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:22–27).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos. Magpatuloy magbasa “Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw; bakit kailangan Niyang magkatawang-tao at gawin ito Mismo?”

Posted in Balita

Tagalog Christian Crosstalk | “Isang Anticristo sa Iglesia”

 Tagalog Christian Crosstalk | “Isang Anticristo sa Iglesia”

Si Brother Li ay isang mananampalatayang dumadalo sa isang bahay-iglesia. Habang sinisiyasat nila ng kanyang mga kapatid ang tunay na daan, sabi ng pastor nila, “Nasa Biblia ang lahat ng salita’t gawain ng Diyos, at maling pananampalataya ang anumang wala sa Biblia” at “mali ang sinumang nangangaral tungkol sa pagbabalik ng Panginoon bilang nagkatawang-taong laman” para hadlangan at pigilan ang mga mananampalataya na hanapin at siyasatin ang tunay na daan. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Crosstalk | “Isang Anticristo sa Iglesia””

Posted in Mga Patotoo

Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?

Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Magpatuloy magbasa “Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?”

Posted in Mga Patotoo

Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?

Linggo Agosto 5, 2018. Makulimlim.

Pagkatapos ng pulong sa araw na ito, dumating ang isang kapatid na lalaki na naghahanap sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng pangamba. Sinabi niya na hinihiling ng Diyos na magpakabanal ang mga tao, ngunit madalas siyang nagkakasala nang hindi sinasadya, at kung palagi siyang mabubuhay sa kasalanan ng ganito, kung gayon makapapasok ba siya sa kaharain ng langit pagdating ng Panginoon? Sinabi ko sa kanya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at na inako Niya Mismo ang lahat ng ating mga kasalanan, tinumbasan ng Kanyang buhay. Magpatuloy magbasa “Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?”

Posted in Mga Patotoo

“Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap” – Ang Awtoridad ng Salita ng Diyos (Clip 2/7)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Aking mga salita ay ang katotohanan, ang buhay, ang daan, at isang tabak na magkabila’y-talim, na makagagapi kay Satanas” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ay parang espadang magkabila ang talim, na kayang manaig sa lahat ng puwersa ng kasamaan. Naranasan mo na ba ang nakakatakot na kapangyarihan at awtoridad ng mga salita ng Diyos? Magpatuloy magbasa ““Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap” – Ang Awtoridad ng Salita ng Diyos (Clip 2/7)”

Posted in Mga Pagbigkas ni Cristo

Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Ang bawa’t yugto ng gawaing ginagawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noong una, nang pumarito si Jesus, Siya ay lalaki, nguni’t sa pagparito ng Diyos sa pagkakataong ito, Siya ay babae. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos ang kapwa lalaki at babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at sa Kanya ay walang pagkakaiba ang kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Niyang kunin ang anumang uri ng katawang-tao na gusto Niya at maaari Siyang katawanin ng katawang yaon. Maging lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos hangga’t ito ay Kanyang nagkatawang-taong lamán. Kung si Jesus ay nagpakita bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, ang ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang yugtong yaon ng gawain ay kapareho ding natapos. Magpatuloy magbasa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao”