Posted in Balita

Christian Crosstalk “Sinabi ng Aming Pastor …” | Who Should We Obey as We Believe in the Lord?

Christian Crosstalk “Sinabi ng Aming Pastor …” | Who Should We Obey as We Believe in the Lord?

Si Yu Shunfu ay naniniwala sa relihiyosong mundo na humahanga at sumasamba sa mga pastor at elder. Iniisip niya na “lahat ng pastor at elder ay itinatag ng Diyos, at ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos,” kaya nakikinig siya sa kanyang pastor sa lahat ng ginagawa niya, maging sa usaping pagsulubong sa pagbabalik ng Panginoon. Ngunit sa isang matalinong debate, mababatid ni Yu Shunfu na ang pagsunod sa mga relihiyosong palagay ay kalokohan at di-makatwiran, at sa wakas ay nababatid na niyang ang pagdakila sa Diyos ay dumarating una sa paniniwala, at dapat ilaan ng isang tao ang “templo” ng puso para sa Diyos. Kaya, pinipili niyang hanapin at siyasatin nang nag-iisa ang totoong daan… Magpatuloy magbasa “Christian Crosstalk “Sinabi ng Aming Pastor …” | Who Should We Obey as We Believe in the Lord?”

Posted in Mga Video, Movie Clips

Ebangheliyong pelikula | Madadala Tayo Sa Kaharian ng Langit Matapos Tanggapin ang Pagtubos ng Panginoong Jesus?


Batay sa mga salita ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na,” karaniwan ay sinasabi nang patapos ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na tapos na kung gayon ang pagliligtas sa sangkatauhan. Kapag nagbalik ang Panginoon, tatanggapin ang mga nananalig sa kaharian ng langit, at hindi na kailangang padalisayin at iligtas ang mga tao. Naaayon ba ang pananaw na ito ng mga pastor at elder sa mga salita ng Diyos? Saan tumutukoy sa huli ang Panginoong Jesus, nang sabihin Niyang “Naganap na” sa krus? Bakit gugustuhing ipahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw, na hinahatulan at dinadalisay ang mga tao? Anong klaseng mga tao ba talaga ang makakapasok sa kaharian ng langit?

🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  

Magrekomenda nang higit pa:

If I already have faith in the Lord Jesus, why do I have to have faith in Almighty God to achieve salvation?

The Lord Jesus said, “Not every one that said to me, Lord, Lord, shall enter into the kingdom of heaven; but he that does the will of my Father which is in heaven.” (Matthew 7:21)

Posted in Mga trailer, Mga Video

Tagalog Christian Movie | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer) | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong JesusMakapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng’en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.

 

Posted in Mga Video

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?

Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?