🍃🍎🍃🍃🍎🍃🍃🍎🍃🍃🍎🍃🍃🍎🍃🍃🍎🍃🍃🍎🍃🍃🍎🍃🍃🍎🍃🍃🍎🍃
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga tao ay walang ganyang kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang kabuluhan, tinatalikuran sila ng mundo, ang kanilang buhay tahanan ay nililigalig, hindi sila pinakaiibig ng Diyos, at ang kanilang mga inaasahan ay nakapanlulumo. Ang pagdurusa ng ilang mga tao ay umaabot sa isang partikular na punto, at kanilang mga saloobin ay nagiging kamatayan. Hindi ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang kapangyarihan! Ang Diyos ay sabik para ibigin Siya ng tao, ngunit habang lalo Siyang iniibig ng tao, lalong mas dumarami ang pagdurusa ng tao, at habang lalong iniibig ng tao ang Diyos, lalong mas dumarami ang mga pagsubok ng tao. Kung iniibig mo Siya, kung gayon lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi mo siya iniibig, kung gayon marahil ang lahat ay magiging maayos para sa iyo, at ang lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag iniibig mo ang Diyos, madadama mo na ang marami sa paligid mo ay hindi mapagtatagumpayan, at sapagkat ang iyong tayog ay sobrang liit ikaw ay pipinuhin, at walang kakayahan na mapalugod ang Diyos; iyong madadama na ang kalooban ng Diyos ay masyadong matayog, na ito ay hindi maaaring abutin ng tao. Dahil sa lahat ng ito ikaw ay pipinuhin—sapagkat maraming kahinaan sa kalagitnaan mo, at lalo nang wala itong kakayahan na mapalugod ang kalooban ng Diyos, pipinuhin ka sa loob. Ngunit dapat na makita ninyo nang malinaw na ang pagdalisay ay natatamo lamang sa pamamagitan ng kapinuhan. Kaya, sa panahon ng mga huling araw dapat kayong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, dapat pa rin kayong maging tapat sa Diyos, at sa habag ng Diyos; tanging ito ang pag-ibig sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo. Kapag ikaw ay natukso, dapat mong sabihin: “Ang aking puso ay pag-aari ng Diyos, at nakamit na ako ng Diyos. Hindi kita mapalulugod—dapat kong italaga ang lahat sa akin sa pagpapalugod sa Diyos.” Habang lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang mas pagpapalain ng Diyos, at lalong lumalaki ang lakas ng iyong pag-ibig para sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananampalataya at paninindigan, at madadama na walang anuman ang higit na mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos. Maaaring sabihin na kailangan ng tao na ibigin ang Diyos nang walang magiging kalungkutan. Bagamat may mga pagkakataon na ang iyong laman ay mahina at ikaw ay napaliligiran ng maraming totoong mga kaligaligan, sa mga panahong ito tunay kang aasa sa Diyos, at sa loob ng iyong espiritu ikaw ay aaliwin, at makadadama ka ng katiyakan, at na magkakakaroon ka ng isang bagay na maasahan. Sa ganitong paraan, magagawa mong mapagtagumpayan ang maraming mga kapaligiran, at kaya hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa kadalamhatian na iyong dinadanas; nanaisin mong umawit, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagniig, magbigay ng saloobin sa Diyos, at madadama mo na ang lahat ng mga tao, mga usapin, at mga bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay naaangkop. Kung hindi mo iniibig ang Diyos, ang lahat ng iyong nakikita ay magiging hindi kanais-nais sa iyo, walang magiging kaaya-aya sa iyong mga mata; hindi ka magiging malaya sa iyong espiritu bagkus kapus-palad, ang iyong puso ay palaging magrereklamo tungkol sa Diyos, at palagi mong mararamdaman na ikaw ay nagbabata ng napakaraming pagdurusa, at ito ay talagang hindi makatarungan. Kung hindi ka maghahangad para sa kapakanan ng kaligayahan, ngunit upang mapalugod ang Diyos at nang hindi maakusahan ni Satanas, kung gayon ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng malaking kalakasan upang ibigin ang Diyos. Nagagawang ipatupad ng tao ang lahat ng sinalita ng Diyos, at ang lahat ng kanyang ginagawa ay nakapagpapalugod sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng pagtataglay ng realidad. Ang pag-ibig sa Diyos ay ginagamit ng paghahangad sa kaluguran ng Diyos upang isagawa ang Kanyang mga salita; hindi alintana ang panahon—kahit na ang iba ay walang lakas—sa loob mo ay mayroon pa ring isang pusong umiibig sa Diyos, na lubhang naghahangad para sa Diyos, at nasasabik sa Diyos. Ito ay totoong tayog. Kung gaano kalaki ang iyong tayog ay nakasalalay sa kung gaano kalaki ang iyong pag-ibig sa Diyos, sa kung nagagawa mong makapanindigan kapag sinusubok, kung ikaw ay mahina kapag ang isang partikular na kapaligiran ay dumating sa iyo, at kung makapaninindigan ka kapag inayawan ka ng iyong mga kapatid; ipakikita ng pagdating ng mga katotohanan kung ano ang nakakatulad ng iyong pag-ibig sa Diyos. Maaari itong makita sa maraming gawain ng Diyos na talagang iniibig ng Diyos ang tao, kaya lang ang mga mata ng espiritu ng tao ay hindi pa lubos na nabubuksan, at hindi niya nagagawang maunawaan ang maraming gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos, at ang maraming mga bagay na kaibig-ibig tungkol sa Diyos; masyadong maliit ang tunay na pag-ibig ng tao sa Diyos. Naniwala ka sa Diyos sa buong panahong ito, at sa kasalukuyan pinutol na ng Diyos ang lahat ng mga kaparaanan ng pagtakas. Sa makatotohanang pananalita, wala kang pagpipilian kundi ang tahakin ang tamang landas, ang tamang landas na pinangunahan ka sa pamamagitan ng mabagsik na paghatol at kataas-taasang pagliligtas ng Diyos. Pagkatapos lamang maranasan ang kahirapan at kapinuhan saka malalaman ng tao na ang Diyos ay kaibig-ibig. Sa pagdanas hanggang sa kasalukuyan, maaaring sabihin na ang tao ay nakarating sa pagkaalam sa bahagi ng kagandahan ng Diyos —ngunit ito ay hindi pa rin sapat, sapagkat ang tao ay masyadong kulang. Dapat niyang maranasan ang marami pang mahiwagang gawain ng Diyos, at marami pa sa lahat ng kapinuhan at pagdurusa na itinakda ng Diyos. Saka lamang magbabago ang disposisyon ng tao. Magpatuloy magbasa “6. Anong uri ng Pagdurusa ang Dapat Batahin ng mga Mananampalataya sa Diyos at ang Kahulugan ng Pagdurusa.” →