Posted in Ang Trumpeta ng katotohanan, Mga Pagbasa

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi)”

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. … Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas.”

Magrekomenda nang higit pa:

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan”

I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang ‘di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao,
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan ‘pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao’y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli. Magpatuloy magbasa “Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan””

Posted in Mga Pagbasa

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | “Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat”

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi alam ng sangkatauhan, na iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung bakit sila umiiral, gayunma’y natatakot sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang dangal na pag-iral sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa mga kaluluwa. Namumuhay ka nang gayon, na walang pag-asa; at siya ay umiiral nang ganyan, na walang layunin. Nariyan lamang ang Tanging Banal sa mga alamat na darating upang iligtas ang mga taong nananaghoy sa paghihirap at sabik na sabik na naghihintay para sa Kanyang pagdating. Ang paniniwalang ito ay hindi maaaring matanto sa ngayon ng mga tao na walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy na hinahangad ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras.”

Magrekomenda nang higit pa:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Posted in Mga Pagbasa

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw.jpg


🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀  🍀🍀

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha……Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas.”

Magrekomenda nang higit pa:

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

 

Posted in Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo, Mga Video

Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)

Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Tagalog Christian Music Video | “Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao”

 

Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao_compressed.jpg

I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao’ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Music Video | “Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao””

Posted in Mga Video, Movie Clips

Kristianong video | “Sino ang Aking Panginoon” Clip tungkol sa Ebanghelyo (5)

Ang Biblia ay puno ng salita ng Diyos pati na rin ng karanasan at patotoo mula sa tao na makakapagtustos sa atin ng buhay at labis na kapaki-pakinabang para sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man.” (Juan 11:25-26). Ngunit bakit, pagkalipas ng 2,000 taon, wala sa yaong may pananalig sa Panginoon na nakabasa ng Biblia ang kailanman nakatamo ng buhay na walang hanggan? Maaari bang wala sa Biblia ang daan patungo sa buhay na walang hanggan? Maaari bang hindi ipinagkaloob ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang daan patungo sa buhay na walang hanggan noong ginampanan Niya ang Kanyang gawaing pagtubos? Ano ang dapat nating gawin upang matamo ang daan ng buhay na walang hanggan?

Posted in Hymn Videos, Mga Himno

Kristianong Awitin | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan

Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan.jpg

              🌹✨💎🎵🌹🌟。:*🌹✨💎🎵🌹🌟。:*🌹✨💎🎵🌹🌟。:*🌹✨💎🎵🌹

I

Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito,
tao’y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

II
Tanging paglilinis na ito
ang makakapagtanggal sa di pagkamatuwid.
Ang pagkastigo at paghatol na ito
ay nagbubunyag sa pagsuway ng tao,
sa gayo’y pinaghihiwalay ang mga ligtas sa mga sinumpa,
at ang mga mananatili sa mga hindi.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito,
tao’y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan. Magpatuloy magbasa “Kristianong Awitin | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan”

Posted in Mga Pagbasa

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob – Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

  Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon. Magpatuloy magbasa “Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob – Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas”

Posted in Mga Aklat, Tanong at Sagot ng Ebanghelyo

2. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig.

🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️  🙏✝️

  Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Magpatuloy magbasa “2. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig.”